tag:blogger.com,1999:blog-26880568729063941332024-03-19T19:41:55.494+08:00~EMOTERA~mychinitahttp://www.blogger.com/profile/14990059662306386770noreply@blogger.comBlogger29125tag:blogger.com,1999:blog-2688056872906394133.post-65205094237246316672010-02-15T20:06:00.000+08:002010-02-15T20:09:10.277+08:00SIMBOLOMuli mong binuhay ang puso kong matagal nang nahimlay
Sa pagkakakulong sa rehas, susi ka sa pagtangay
Pusong iginapos ng kadenang kanyang taglay
Sa talim ng sibat ni kupido sa puso ko’y lumatay.
Ikaw ang kandilang naging ilaw sa nauupos kong buhay
Bituin sa madilim na langit ang syang naging gabay
Araw na liwanag ko at matinding sinag na iyong taglay
Sa bisig ng mga ulap mapapawi ang aking lumbay.
Tila ikaw ay hangin sa akin na patuloy na bumubuhay
Hininga ko’y malalagot kapag ika’y mawalay
Ikaw ang puno ko na syang nasisilungan habang naghihintay
Nililipad ng hangin ang malalagong dahon sa pagkampay.
Pag ibig mo ay tila bagang batis na patuloy na dumadaloy
Init ng pagmamahala'y naglalagablab na parang apoy
Isang bala ang umasinta dito sa puso kong naging palaboy
Muli mong ibinangon sa malalim na kumunoy.
Pag iibigan nati'y tulad sa gulong ng buhay
Mundong umiinog sa ating mga kamay
Sabay nating tatahakin ang matuwid na pamumuhay
Kalangitan ay magbubunyi sa pagibig nating tunay.mychinitahttp://www.blogger.com/profile/14990059662306386770noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2688056872906394133.post-33181794362721796402010-01-15T01:50:00.001+08:002010-01-15T01:51:49.018+08:00Nasalantang PaskoKasama din to sa naipublish sa RUBIK MINDS. Nung December ko pa ito naisulat.
Paano nga ba ipagdiriwang ng mga nasalanta ng kalamidad ang Pasko? Magiging masaya pa rin kaya ito para sa kanila? Katulad pa rin kaya ito ng Pasko na nakagawian nating mga Filipino?
Nakagawian na nating mga Filipino ang maghanda tuwing nalalapit na ang Kapaskuhan. May “Christmas Tree” na nilalagyan natin ng iba’t ibang palamuti at pasabit. Isama pa ang medyas na nilalagyan ni Santa Claus ng regalo gabi gabi. Mga naggagandahang parol na sinasabit natin sa ating bintana at pinto upang lalong magbigay ng ganda sa ating tahanan. Iba’t ibang kulay ng “Christmas Lights” na siyang nagbibigay ng liwanag sa mga kalsada at ating mga bakuran.
Mahalaga sa ating mga Filipino ang pagsasalu-salo ng buong pamilya sa Noche Buena. Di mawawala ang hamon na nakagawian na nating ihanda. Ang puto bumbong at bibingka sa hapag-kainan na madalas din nating makita sa labas ng simbahan tuwing simbang gabi. Ang keso de bola na masarap ipalaman sa mainit na pandesal at isawsaw sa mainit na tsokolate. Ang pansit na pampahaba ng buhay ay di rin nawawala sa ating hapag.
Sa pagsapit naman ng araw ng Kapaskuhan, karamihan sa atin ay may bagong damit at sapatos. Sabik tayo pumunta sa mga ninong at ninang natin upang magmano at batiin sila ng “Maligayang Pasko.” Higit sa lahat, sabik tayo na buksan ang ating mga regalo galing sa kanila gayon din ang mga aginaldong mula sa ating mga magulang at kaibigan.
Ang araw ng Pasko ay siya ring araw upang magsama-sama ang buong pamilya. Ito ang pinakamagandang pagkakataon na makasama natin sila sa pagsimba at sabay-sabay na magpasalamat sa Panginoon dahil isinilang si Hesus para sa atin. Ito din ay maituturing na pinakamahalaga at pinakamasayang araw para sa lahat.
Masaya nga ba ang lahat?
Sa nagdaang buwan, ang ating bansa ay sinalanta ng kalamidad tulad ng mga bagyong Ondoy at Pepeng. Labis ang pagsalanta nito sa ating bansa at sa marami nating kababayan. Marami ang nawalan ng tirahan. Marami rin ang nawalan ng mga mahal sa buhay.
Ito na marahil ang malungkot na Pasko para sa mga taong lubos na naapektuhan ng kalamidad. Saan na nila isasabit ang mga parol kung wala na silang tahanan? Wala na ang mga patay sinding “Christmas Lights” na nagsisimbolong liwanag sa kanilang buhay. Ang dating pagsasalu-salo ng buong pamilya ay mapapalitan ng kalungkutan--kalungkutan na babalot sa buong gabi dahil sa mga nawala nilang mahal sa buhay. Ang dating hamon, keso de bola at ibang msasarap na pagkain na noon ay kanilang pinagsasaluhan ay napalitan ng mga lata ng sardinas at noodles (relief goods). Kung dati ay may bagong damit sila na sinusuot tuwing Pasko, ngayon ay lumang damit na lamang galing sa donasyon ang kanilang maisusuot dahil kasama sa nasalanta ang kanilang mga damit at kagamitan.
Sa kabila ng nangyari sa ating bansa at sa pagdaan ng kalamidad sa ating buhay, di natin kailangan masadlak sa kalungkutan. Di natin dapat ipagsawalang bahala ang Pasko. Panatilihin at sariwain pa rin natin ang tunay na diwa nito. Wala sa masasarap na pagkain na nakahain sa mesa, bagong damit at mga regalo ang pagdiriwang ng Pasko. Mahalaga lang ay ipagpasalamat natin sa Diyos ang lahat ng mga biyaya na natatanggap natin sa araw-araw. Huwag tayo mawalan ng pananalig sa Kanya dahil sa mga pagsubok na ating kinakaharap. Bagkus, magpasalamat tayo dahil sa mga pagsubok ay nagiging matatag tayo at iyon ang nagtuturo sa atin sa pagharap sa mga panibagong hamon ng buhay. Patuloy pa rin ang buhay dahil si Hesus ay buhay na ipinagkaloob sa atin upang tayo ay maligtas.
mychinitahttp://www.blogger.com/profile/14990059662306386770noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2688056872906394133.post-60482918896264581722010-01-15T01:46:00.001+08:002010-01-15T01:50:18.698+08:00MALIGAYANG PASKONgayon ko lang napost to dito sa blog ko pero naisulat ko na to nung Decemeber pa. Kasama to sa napublish sa online publication namen named RUBIK MINDS.
M – usika sa bawat tahanan ang mauulinigan
A – wit ng mga bata ang inaabangan
L – irika na pupukaw sa puso’t isipan
I – law ang sisindihan at pinto’y bubuksan
G – abi ay babalutin ng magagandang tinig
A – ng hatid ay ligaya sa lahat ng nakikinig
Y – ayabong ang pagmamahal sa bawat pusong pumipintig
A –t sa diwa ng Pasko tayo ay maaantig
N – gayong Kapaskuhan ating ipagdiwang
G – anap na araw para sa sino man
P – agsilang sa Kanya doon sa sabsaban
A – ng tatlong hari’y dumalaw at handog ay inilaan
S – imbolong ginto, pilak at kamanyang
K – islap ng bituin ang syang naging daan
O – ras na para salubungin si Hesus na hinirang
mychinitahttp://www.blogger.com/profile/14990059662306386770noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2688056872906394133.post-31258174882806709342010-01-02T01:09:00.000+08:002010-01-02T01:12:04.170+08:00EMOTERASa apat na sulok ng aking silid
Nababalot ng lungkot at katahimikan ang paligid
Yakap ang unan, luha’y nangingilid
Wari’y nakakubli ang dusa sa isip
Sa aking pag-iisa, luha’y di mapigilan
Ang pagpatak nito’y dusa ang iniwan
Bumabalik sa balintataw alaala ng nakaraan
Pilit iwinawaksi sa magulo kong isipan
Pag ibig nga ba ang syang dahilan?
O sadyang ako ay emotera lang?
Mahilig magdrama kahit kailan
Kahit walang kwenta ang iniiyakan
Ipinikit ang mata, diwa’y pinagpahinga
Sandaling nakatakas sa mga problema
Nagsimulang managinip ng malapantasya
Kahit sa panaginip ay naging maligayamychinitahttp://www.blogger.com/profile/14990059662306386770noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2688056872906394133.post-22290467772098666872009-12-06T00:26:00.002+08:002009-12-06T00:37:59.433+08:00LOVE NOTES
Share ko lang yung mga text ko kay honey nung isang gabi. Medyo tinopak ako. Para maiba naman ginawa kong tula ang mga text ko  Wala lang inlove lang
LOVE NOTES
♥Gabi gabi ko tinititigan ang iyong mga larawan
At sa panaginip man lang ikaw’y mahagkan
Ikaw ay makasama kahit saglit lang
At doon tayo ay mangarap ng walang hanggan.
♥Larawan mo nalang ang aking hinahagkan
Di ka mawaglit sa isip kahit saglit lang
Nginiti mo’y nakakatunaw
sa puso kong uhaw.
♥“Ikaw ang buhay ko” sambit ko sayo
“Ikaw ang puso ko” patuloy sa pagtibok ito
“Ikaw ang kaluluwa ko” sa langit natagpuan mo
At “Ikaw ang honey ko” na pakakasalan ko.
♥Someone made me blue
Denifitely, it’s not YOU
You colored my heart with red
And made it as your shed
♥Ako ang iyong bituin sa gabing madilim
Hangin na dadampi sa labi ng palihim
Buwan ang liwanag na babalot satin
Sinag ng araw ang bukas natin
My honey wrote this poem for me. Eventhough, He's not really a writer He exerted an effort and time for this poem. I was really touched by this poem beacause it was written with love. Every line in this poem really caught my attention. I am very blessed to have him in my life. I LOVE YOU honey and thank you for coming into my life. :kiss:mychinitahttp://www.blogger.com/profile/14990059662306386770noreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-2688056872906394133.post-29225023393608381572009-11-29T13:02:00.001+08:002009-11-29T13:25:23.338+08:00MAMA TINATINZ
I wrote this poem for mama tina on her birthday.mychinitahttp://www.blogger.com/profile/14990059662306386770noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2688056872906394133.post-6233238889814847332009-11-14T11:25:00.002+08:002009-11-29T01:28:26.817+08:00PANANABIK
PANANABIK
Kailan ko muling idadampi ang malambot kong labi sa mga labi mo?
Kailan ko mararanasang muling kiligin pag kasama mo?
Kailan ko muling mararamdaman ang bawat espasyo ng ating mga kamay 'pag mgkahawak ito
Kailan ako muling maglalakad sa mall na kasabay mo?
Kailan ako muling ngingiti sa tuwing mukha mo ang nasa isip ko?
Kailan ako mangangarap ng walang hanggang kaligayahan sa piling mo?
Kailan ako muling gigising at masasabing “Ikaw ang buhay ko.”?
Kailan ako maghihintay ng araw na muling makasama mo?
Kailan ko ba masasabi sa iyo na “Mahal din kita”?
Kailan ko muling mararamdaman ang init kapag kayakap ka?
Kailan muling aawit ang puso parang isang musika?
Kailan mabubuhay sa mundo nang hindi nag iisa?
Kailan ba mangyayari ang lahat ng ito?
Kailan ba ako magiging parte ng buhay mo?
Kailan ba magkakatotoo ang mga panaginip ko?
Kailan ba? Siguro kapag nabasa mo ito.
Tinatago ang tunay na katauhan
Pagbabalatkayo ang tanging kinagisnan
Kasinungalingan ang syang bumubuhay
Sa kanyang pagkataong walang saysay
Maling gawain ang sumasalamin
Maskarang bumabalot at umaangkin
Sa pariwarang buhay na tinatahak
Bulok, masangsang at niyuyurak
Dungis ng iba ang palaging pinupuna
Ngunit sariling putik nya ang dala dala
Kung ano ang sa iba’y ipinupula
Yun ang sya naman nyang ginagawa
Poot, galit, inggit at paghihiganti
Mga ugaling hindi nya maisantabi
Gawaing paulit ulit na di maikubli
Kahit katauhan nyang ipinagbibili
“Sigurado ka ba sa iyong mga akala?”
“Di kaya isa lang yang tamang hinala?”
Huwad, “masdan mo ang iyong sarili”
“Dapat ka ng magising at magsisi”
mychinitahttp://www.blogger.com/profile/14990059662306386770noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2688056872906394133.post-88249131660474361252009-10-06T19:26:00.001+08:002009-10-06T19:28:05.029+08:00GANTI NG KALIKASANMagugunaw naba ang mundo? Yan ang tanong ng maraming tao. Sa nag daang bagyong Ondoy tila katapusan ng ng mundo sa ibang tao na nakaranas ng ganti ng kalikasan. Marami sa mga kababayan natin ang nawalan ng tahanan, kagamitan at maging mahal sa buhay. Tila kay lupit ng kalikasan na tumama sa ating bansa. Isang dagok sa buhay ng mga Pilipino at sa buong Pilipinas ang naranasang kalamidad. Marami ang nakaligtas ngunit marami rin ang nasawi. Marami pang lugar sa ngayon ang lubog pa rin sa baha. Karamihan din sa mga tao ay tuluyan ng nilamon ng matinding baha at di pa nakikita ang mga bangkay nila. Isang pagsubok na magiging aral sa lahat ng tao.
Masasabing ang pangunahing dahilan ng mga ganitong sakuna ay yung tinatawag nating Climate Change – “This term is commonly used interchangeably with "global warming" and "the greenhouse effect," but is a more descriptive term. Climate change refers to the buildup of man-made gases in the atmosphere that trap the suns heat, causing changes in weather patterns on a global scale. The effects include changes in rainfall patterns, sea level rise,potential droughts, habitat loss, and heat stress. The greenhouse gases of most concern are carbon dioxide, methane, and nitrous oxides. If these gases in our atmosphere double, the earth could warm up by 1.5 to 4.5 degrees by the year 2050, with changes in global precipitation having the greatest consequences.” – (green-networld.com/facts/glossary.htm)
Kanino ba natin dapat isisi ang lahat ng mga nangyayari sa mundo natin? Malaki ang parte ng tao sa katanungang ito. Walang ibang dapat sisihin sa mga nangyayari sa mundo kundi tayong mga tao rin. Ginawa ng Dyos ang mundo upang ating tirhan at ginawa Nya ang tao upang syang mag alaga dito. Sa kabila nito, nagiging malupit ang tao sa ating kalikasan. Marami ang nagpuputol ng puno na syang dapat magiging pananggalang natin sa mga baha at landslide. Marami din ang walang disiplina sa pagtatapon ng basura. Kung saan saan lang natin tinatapon ang mga basura natin. Tinatapon ng ibang tao ang mga basura nila sa mga ilog na nagdudulot ng pag bara at pagkalason ng mga ito.
Sa kabilang banda naman, dahil sa mga ganitong pangyayari makikita natin ang pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa. Mapapatunayan din sa ganitong sakuna na di pantay pantay ang tao. Kahit mahirap o mayaman ka di ka makakaligtas sa hagupit na dulot ng mga sakuna tulad ng bagyo. Ngunit sa kabila ng kahirapan ay bayanihan pa rin ang nangunguna sa mga Pilipino. Bukas palad ang lahat sa pagtulong sa mga kapos palad. Handang tumulong ang kahit sa maliit na paraan lang.
Sana magsilbing aral ang Bagyong Ondoy sa lahat ng tao. Alagaan natin ang ating kalikasan. Pahalagaan ang bawat biyayang binigay sa atin ng Dyos. Manalangin at Manalig sa Kanya dahil walang ibang makakapagligtas sa atin kundi ang taimtim na panalangin.mychinitahttp://www.blogger.com/profile/14990059662306386770noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2688056872906394133.post-87540624359995388392009-10-06T19:13:00.001+08:002009-10-06T19:15:29.579+08:00SALAMATBilang pasasalamat kay ronstar, I also wrote a poem for him.
Di ko akalain
Na ako’y mapapansin
Gagawan mo ng tula
At iaalay sa akin
Salamat sa paghanga
At pag gawa ng tula
Lubos akong natuwa
Sa iyong pinakita
Lubos din akong humahanga
Sa iyong mga gawa
Tunay na katangi tangi
Lahat ay napapangiti
Minsan may kalokohan
Ngunit kapupulutan
Tatatak sa isipan
Aral ang iiwananmychinitahttp://www.blogger.com/profile/14990059662306386770noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2688056872906394133.post-24716900720686034152009-10-06T19:00:00.000+08:002009-10-06T19:17:37.116+08:00A Gift from ronstarronstar ( a member from symbianize) wrote this poem for me. I was surprised by this poem. I'm so thankful na gawan ng isang tao ng tula. Sobrang na appreciate ko to. I just want to share it with you guys.
Duon sa Choco Gang
Ako'y may namataan
Mylene_singer ang ngalan
At akin siyang hinangaan
Sa tuwing akoy napapadaan
Tahimik kong pinagmamasdan
Banat niyang kakaiba
Punong puno at may laman
Ang sabi pa nga niya
Mga akda niya'y walang kwenta
Ngunit pagtapos kong magbasa
Agad akong napatunganga
Pagkat kanyang mga gawa
Akda man o Tula
Sa puso mo ay tatama
Tunay itong kahanga hanga
Sa tula kong ito
Nais kong ipahatid sa iyo
Na ikaw ay aking idolo
Magunaw man ang mundo
Aking pasasalamat
Sana'y iyong matangap
Pagkat para sa akin
Ay isa kang alamatmychinitahttp://www.blogger.com/profile/14990059662306386770noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2688056872906394133.post-25649699942454325042009-10-05T18:18:00.000+08:002009-10-05T18:26:07.091+08:00Kahapon, Ngayon at BukasDi ko alam at di ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako sa isang taong nagbibigay sakin ng halaga. Isang taong nagpapasaya lage saken at isang taong nagbibigay ng ngiti saken. Gusto ko ihandog sa kanya ang tulang ito. Sa kabila ng lahat, di pa lubos ang aking kaligayahan dahil sa mga gumugulo sa isip ko. Di na mahalaga saken ang KAHAPON, Di ko muna iisipin ang BUKAS. Ang mahalaga saken ay yung NGAYON!
Matagal nahimlay ang puso
Ilang taon ring nabilanggo
Natatakot na muling mabigo
Sa mga kasinungalingang pangako
Matinding hapdi ang idinulot
Sa nagdaang mga relasyon
Di alam kung tamang desisyon
Wakasan at muling bumangon
Heto ka ngayon at muling binubuhay
Puso ko ngayo’y binibigyang kulay
Muli mong binibigyang ngiti
Ang puso kong puro hapdi
Ikaw ang buhay ko ngayon
Sana ito’y pang habang panahon
Salamat sa iyong pagmamahal
Panalangin ko ito’y magtagal
Walang makapaghihiwalay sa atin
Maging langit ating tatahakin
Doon ipagpapatuloy pagmamahalan natin
Dyos ang Syang gagabay pa rinmychinitahttp://www.blogger.com/profile/14990059662306386770noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2688056872906394133.post-50622897225030885922009-10-05T17:55:00.000+08:002009-10-05T18:17:55.164+08:00FAREWELL MY FRIENDI wrote this poem for Warren (my friend/officemate). He will be leaving this month. I will miss him so much.
W - onderful
A - nd
R - eally
R - emarkable
E - ver
frie-N-d
You’ve been a good friend to me
A friend, you’ll always be
Although we had ups and downs
still, we know how to forget the frowns
I'll always remember our good memories
The band, the team, we have cherished
You’re always the one who plays the guitar
Remember the time we we’re at the bar.
I learned more things from you
A walk of life that you’ve been through
It strikes my heart without residue
A good heart discovered inside of you.
Now that you are leaving
All of us are crying
Farewell my friend, it’s not the end
Forever, we'll treasure you my friend.mychinitahttp://www.blogger.com/profile/14990059662306386770noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2688056872906394133.post-73782796098060729702009-10-01T18:36:00.000+08:002009-10-01T18:53:36.946+08:00CONFUSEDI wrote this poem for my honey. In fact, matagal na nya ko kinukulet na gumawa ng poem kaso I don't know how to start.
I don’t know what I’m feeling right now
Can’t hide it and I really can’t help it
Is it love or I just want to deny it?
I’m confused with this feeling I can’t resist
I want to say I love you
But it’s not the right time to say
I want to be with you
Yet time seems to be the hindrance
I’m afraid to finally see you
with the possibility of losing you
Can’t wait to kiss your lips
And feel your hug through my fingertips
Now I’m going with the flow
Happy for the feelings to let go
Isn’t it ironic?
I don’t want to be pathetic
I’m asking God for a sign
Whether I continue this feeling inside
I’m hoping after all this time
You, too will become my life for a lifetime.mychinitahttp://www.blogger.com/profile/14990059662306386770noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2688056872906394133.post-15095878736984378462009-09-24T13:53:00.000+08:002009-09-24T15:10:28.919+08:00MIXED EMOTIONSI wrote this simple and short poem for a friend. I hope he will appreciate it.
I don’t want to hurt you
Or even want to ignore you
I just want to be your friend
To be honest, not to pretend
I wanted to know you more
Just deep but not to fall
I don’t want you to misunderstood
My appreciation for you to conclude
I was surprised by your affection
To formulate a chain reaction
Never thought that it would happen
Hoping that it would never end
My heart belongs to someone else
Maybe your heart begins to melt
Let’s just start a great friendship
And build it as a splendidmychinitahttp://www.blogger.com/profile/14990059662306386770noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2688056872906394133.post-27149230715815217492009-09-10T23:34:00.000+08:002009-09-10T23:40:07.633+08:00ART OF LETTING GOThis is from my friend. I just want to share it with you guys.
Anyone who has gone through the agony of losing someone she loves so much will still wish against all odds to have that love back again. But, fly! Remember, it may rain for 40 days and 40 nights, but still will not rain forever. One day the pouring will stop and there will be plenty of branches where you can find rest. One of those is where you will build your rest and start over again. It’s never too late. Remember that you may find love and lose it, but “WHEN LOVE DIES, YOU NEVER HAVE TO DIE WITH IT.”
With love, we learn how to care and sacrifice. We learn to share and reach out. We learn to be unselfish and give more than we can. And when everything doesn’t end well, we strive to get back on our feet and move on. This is where we learn that “LIFE DOESN’T END WHERE OUR HEARTACHES BEGINS.”
There is no future in a relationship of lies and selfishness. It’s true, there’s life in love. Make a choice not based on impulse but a decision based on a healthy balance of mind and heart. Let us always remember that “HAPPINESS IS NOT A MATTER OF DESTINY BUT A MATTER OF CHOICE.”
You don’t have to forget someone you love. What you have to learn is to ACCEPT THE VERDICT OF REALITY WITHOUT BEING BITTER OR SORRY FOR YOURSELF. You would be better off giving that love and dedication to someone more deserving. Don’t let your heart run your life; let your mind speak for itself. Listen not only to your feelings but to reason as well. Always remember that when you lose someone today, it means that someone better is coming tomorrow.
“IF YOU LOSE LOVE, THAT DOESN’T MEAN YOU HAVE FAILED IN LOVE. CRY IF YOU HAVE TO, BUT MAKE SURE THAT THE TEARS WASH AWAY THE HURT AND BITTERNESS THAT THE PAST LEFT WITH YOU. LET GO OF YESTERDAY AND LOVE WILL FIND ITS WAY BACK TO YOU.” It’s true that love can wait forever, but it is crazy to stubbornly hope for someone who doesn’t even care or understand how you feel. Don’t waste your time waiting for someone who never really cared about how you would have felt. Open you heart again and give yourself the chance to find the man who would make loving worth the pain and sacrifice.
GOD wakes up in the middle of a storm to teach us a lesson. He takes away the people we love, so we can learn to value love itself. He makes us cry so hard so we can see clearly when we open our eyes. He makes us bitter so we can realize that there is no genuine happiness if we only think of our needs and not of others. “GOD ALLOWS US TO EXPERIENCE THE PAIN TO MAKE US STRONGER AND BETTER PERSONS. HE WILL SEE US THROUGH THE MOST TRYING AND DIFFICULT TIMES IN OUR LIVES AND ONLY IF WE PUT OUR TRUST IN HIM WE CAN LEARN TO FIND JOY IN OUR HEARTS AND HAPPINESS IN OUR SORROWS.”
Letting go is a decision that can never be dictated to us. It is a resolve that we make ourselves. Acceptance is the key to a new beginning and time is the healer of all wounds. Even if the storm casts its fearful shadows, there will always be light after darkness and lonely moments. There is always hope for those who believe. There is always a chance for those who try. “LOSING SOMEONE WE LOVE MAY NOT BE A LOSS AT ALL BUT A BLESSING BECAUSE SOMEONE EVEN MORE DESERVING IS YET TO COME.”mychinitahttp://www.blogger.com/profile/14990059662306386770noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2688056872906394133.post-71687632239504226392009-09-06T17:12:00.000+08:002009-09-06T17:16:23.577+08:00MUKHA NG BUHAY MANGGAGAWAKasama na sa buhay ng tao ang pagkabigo, pakikipagsapalaran, tagumpay at pagsisikap. Tulad sa isang trabaho at buhay manggagawa. Di maiiwasan ang kompetisyon, iringan at inggitan. Andyan yung sisiraaan ng isang kaopisina ang isa nyang kaopisina para lang yung isa ang mapuri. Meron naman na sa paghahangad ng mas mataas na posisyon gagawa pa ng kwento para lang masira ang taong kakumpitensya. Meron naman na para umangat ay magdudunung dunungan kahit wala namang alam. Nariyan pa yung kahit di naman tinatanong sa isang proseso ay magpriprisinta kahit na nagmumukha syang katawa tawa dahil di naman talaga nya alam ang ginagawa nya.
Di lingid sa kaalaman naten na lahat tayo naghahangad umangat. Nangangarap tumaas ang posisyon at kahit itanggi naten at sabihing di pera ang dahilan ay gusto naten ang sumahod ng malaki. Kaya tayo nagtratrabaho para kumita. Magkaron ng pera na ipang tutustos naten sa mga pangangailangan naten sa araw araw. Lahat ng pagsisikap ay ginagawa naten di para sa sarili naten kundi para sa mga mahal naten sa buhay.
Maswerte na tayo kung tayo’y kumakain ng tatlong beses sa isang araw. May trabaho at sumasahod ng sapat lang. Kung minsan nakakatamad na rin pumasok sa trabaho. Nakakasawa na rin ang paulit ulit mong ginagawa sa araw araw na tila ba natitigil na ang iyong kaalaman sa pagdiskubre ng ilang mga bagay bagay sa iyong paligid. Gustuhin mo mang humanap ng mas magandang trabaho at kumita ng malaki, minsan naiisip mo ang mga kasama mo sa trabaho. Mahirap din kasi mahanap ang totoong samahan. Samahan na sa kabila ng hirap ng trabaho naiibsan ang pagod at napapalitan ng kaligayahan. Minsan naiisip mo din na “Kung lumipat ba ako tatagal ako sa kumpanyang lilipatan ko?.” Kung minsan nakakatamad din ang maghanap ng trabaho dahil pagdadaanan mo nanaman ang simula sa “exam” “initial interview” at “final interview”. Sa dami ng naghahanap ng trabaho ngayon marami ang iyong kasabayan. Madalas pa di ka aabutin ng “final interview” Nariyan pa yung “Tatawagan ka nalang kung nakapasa ka” tapos isang buwan na wala pa ring tawag ang natatanggap.
Kahit na may matino tayong trabaho ay di pa rin tayo nakukuntento sa kung ano ang meron tayo. Kahit na anung gawin nating pagsisikap ay di pa rin tayo umaangat angat sa buhay. Kahit alam nating pinakita na nating lahat ng pagsisikap natin at pagmamahal sa trabaho ay tila kulang pa rin saten ito. Yung tipong sa tingin mo karapat dapat ka naman sa tagumpay na inaasam mo ngunit di ka pa rin mabigyan ng parangal. Kung sino pa ang sa tingin mo na di karapat dapat ay syang nakangiti ngayon at nakaluklok sa pedestal. Ngunit ganun talaga ang buhay. Sa tingin mo na naipakita mo na lahat at ginawa mo ang lahat ng iyong nalalaman at alam mo na naibahagi naman ito sa iba tila wala pa ring saysay ang lahat. Imbis na magreklamo ka at maghanap ng mga kasagutan sa iyong mga agam agam ay mas pinipili mo nalang ang manahimik at maghintay. Ngunit hanggang kelan ka maghihintay? May hinihintay ka ba? O naghihintay ka lang sa wala?
Yan ang mukha ng buhay manggagawa. Minsan nasa itaas ngunit madalas nasa ibaba. Kung gusto mo talagang magtagumpay kailangan mo doblehin ang pagsisikap. Ipakita mo sa sarili mo at sa ibang tao na di ka talunan. Huwag titigil sa pag abot ng pangarap. Libre ang mangarap ngunit di puro pangarap nalang. Di puro salita, bagkus kelangan din ng gawa.mychinitahttp://www.blogger.com/profile/14990059662306386770noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2688056872906394133.post-53403925109647120422009-08-23T18:35:00.000+08:002009-08-23T19:09:16.130+08:00EKSTENSYONPebrero 13, 2009, Araw ng biyernes. Ganap ng ika dalawa ng madaling araw. Sabi ng karamihan lalo na ng matatanda, lumalabas daw ang mga masasamang ispiritu pag “Friday the 13th” Malas daw ang araw na ito sabi ng lola ko. Alam nyo naman matatanda lahat nalang ata pinaniniwalaan. Kahit anong kababalaghan eh kasama na ng makaluma nilang pamumuhay. Laging sinasabi ng lola ko nung nabubuhay pa sya na wag daw ako lalabs ng bahay pag sumasapit ang “Friday the 13th” May masama daw na mangyayari saken.
Masyado pa ako bata noon at lahat ng kwento ng lola ko tungkol sa mga kababalaghan ay pinaniniwalaan ko. Naalala ko pa yung lola ko na laging nagkukwento na may mga kabayo daw na nagtatakbuhan sa likod bahay namen. Pati mga Kastila ay sakay daw ng mga kabayong itim. Sabi ng mommy ko nag uulyanin lang daw ang lola ko at wag daw ako magpapaniwala sa mga nakikita nya. Lagi ako nakikinig sa mga kwento ng lola ko dahil sya ang lagi ko nakakasama. Masasabi kong maka lola ako kaya siguro wala na ko magagawa kundi ang paniwalaan sya sa mga kwento nya. Naniniwala ako kasi ayon din sa mga pinsan ko may nakita daw silang kapre sa may likod bahay namen noon sa Tanay, Rizal. Nakatira daw yon sa malaking puno ng mangga na nakatayo doon. Malaki ang bahay namen doon at nakakatakot sa may likod bahay dahil maraming puno at sinasabing sa kabilang pader na nakatayo ang farm ng kapitnahay ay may nagpapakita daw na mga tinatawag na white lady.
Di ko namalayan ang oras dahil sa panood ng telebisyon. Alas tres na pala ng madaling araw. Di ako dalawin ng antok dahil na rin siguro sa ininom kong isang malaking tasa ng kape. Ayon sa “The Exorcism of Emily Rose” “Devil’s hour” daw ang oras na yon. Ganung oras daw naganap ang pagsapi sa kanya ng masasamang ispiritu. Iyon ang pinaniniwalaan ng maraming tao na ikinamatay nya. Kahit na nakakatakot ay di ako nagpadala sa mga ka opisina ko tungkol sa mga nakakatakot na kwento. Muli ko rin naalala ang babaeng kinuwento ng kaopisina ko na pilit daw hinahatak ng isang bata pababa ng elevator sa 13th floor ngunit ayon sa mga guards at receptionist ng gusaling iyon wala daw 13th floor sa gusaling iyon. Kinabukasan daw di na muling nakita ang babae.
Wala akong magawa kaya’t binuksan ko ang computer ko upang mag internet. Tahimik ang buong paligid. Walang ingay na maririnig maliban sa tunog ng keyboard ng computer at ng electric fan na nakatutok saken. Matapang ako at di ako yung tipo na natatakot sa mga multo. Kahit nung bata pa ko pag nagkukuwento ang lola ko ay di ako natatakot. Malakas ang loob ko at pananampalataya ko sa Dyos kaya di ako nakakaramdam ng pagkatakot. Ngunit sumagi sa isipan ko lahat ng mga naikwento saken ng mga kaopisina ko. Pati na rin ang naikwento ng kuya ko na may babae daw na nagpapakita sa bahay na inalisan namen nung isang buwan.. Ayon sa albularyo na tumingin sa bahay namen pinagsamantalahan daw ang babaeng iyon at pinukpok ng malaking bato ang ulo nito dahilan kung kaya’t binawian ito ng buhay. Lagi yon nagpapakita sa kuya ko at maging ang mommy ko at kasintahan ng kuya ko ay nakita din nila. “Bakit ako di ko nakikita? Baka guni guni nyo lang yon.” ang lagi kong sinasabi sa tuwing nagkakakwentuhan kami ng mga kapatid ko.
Sandali akong natahimik at lumingon sa paligid ko. Wala naman akong nakitang kakaiba. “Hay siguro tinatakot ko lang sarili ko. Wala naman sigurong multo” ang bulong ko lang sa isip ko. Agad ako nagdasal para mawala ang takot ko. Pinagpatuloy ko ang pag iinternet ko. Biglang dumampi sa tenga ko ang malamig na hangin na nanggagaling sa bintana malapit sa kinatatayuan ng computer. Biglang tumayo ang mga balahibo sa braso at mga binti ko. Bumilis din ang pintig ng puso ko na tila naninikip na ang paghinga ko sa takot. Bago ko palang ituturn off ang computer ng biglang namatay ito ng kusa. Bigla akong napasigaw ng malakas at nagising ang kuya ko. Iyak ako ng iyak dahil akala ko minumulto na ko. Binatukan ako ng kuya ko at sinabing “Timang! Naapakan mo yung ekstensyon. Maluwag kaya nahugot sa pagkakasaksak. Tinatakot mo lang sarili mo. Matulog ka na nga at sa susunod wag ka na mgpupuyat ng hanggang madaling araw. Kung anu ano naiisip mo” ang natatawang may halong sermon ng kuya ko.mychinitahttp://www.blogger.com/profile/14990059662306386770noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2688056872906394133.post-40457691658475964012009-08-19T03:52:00.000+08:002009-08-19T03:53:05.911+08:00Sa aking Paru-paro
mychinitahttp://www.blogger.com/profile/14990059662306386770noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2688056872906394133.post-49645481776524218002009-08-19T03:50:00.001+08:002009-08-19T03:50:50.825+08:00Fear of Losing You
mychinitahttp://www.blogger.com/profile/14990059662306386770noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2688056872906394133.post-64683206276655571582009-08-19T03:45:00.000+08:002009-08-19T03:48:56.711+08:00Bunga ng Siyensya
mychinitahttp://www.blogger.com/profile/14990059662306386770noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2688056872906394133.post-390764015361472822009-08-19T03:42:00.000+08:002009-08-19T03:44:28.948+08:00Start of an Endmychinitahttp://www.blogger.com/profile/14990059662306386770noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2688056872906394133.post-66462853390527913412009-08-19T03:30:00.000+08:002009-08-19T03:32:22.605+08:00Ingay ng mga Kapitbahay"Jai-Ho,You are the reason that I breathe.Jai-Ho,You are the reason that I still believe.Jai-Ho,You are my destiny.Jai-Ho.uh-huh-uh-oh!".yan ang tunog na gumising sa aking mapayapa at mahimbing na pagkakatulog,umigting sa mga natutulog kong tenga,at nagpainit ng ulo ko na dapat sana'y napakagandang umaga.
Papungas pungas kong tinignan ang orasan.Alas otso palang pla ng umaga.Alas Dos na ko nakatulog tapos gigisingin lang ako ng napakalakas na tunog na yun.Dali dali kong hinanap kung san nanggagaling ang napakaingay na musikang iyon.Jusko!Musika pala sa kapitbahay."May party ba?"ang tanong ko sa kapatid ko. "Daig pa ang pyestahan sa ingay ah.Parang walang mga kapitbahay na nabubulabog!" Mano ba'y maya na magpatugtog 'tong mga kapitbahay ko pag gising na ako.Wala pa walong oras akong natutulog!Nakakabwisit pa dun naputol ang malapantasya kong panaginip.Hahalikan na sana ako ng crush ko sa panaginip ko naudlot pa.Dadampi na sana nya ang mga mapupula nyang labi sa aking mga labi ng bigla ako nagising dahil sa ingay.Sa panaginip ko na nga lang sya mapagpapantasyahan nabigo pako.Pag minamalas ka nga naman!Bakit kasi di muna pinatapos yung eksena sa panaginip ko.Kainis talaga!
"Makapag almusal na nga".Habang nagtitimpla ako ng kape, "@!.&%* $€£ @*!!! Lumayas ka na dito.Wala ka ng ginawa kundi umuwi ng lasing tapos inuubos mo lang ang pera sa sugal.Wala ka ng ginawang magaling!"Pak!Pak!Blog!Tsug! Jusko!muntik ko ng mabitawan ang tasa ng kape na tinimpla ko.Nagbubugbugan na ata mga kapitbahay namen.Ang aga aga away ang almusal ko.Bangayan dito bangayan dun.Murahan dito,murahan dun.Ang iingay pa ng mga bunganga ng mga lintek na kapitbahay ko.
Sa di kalayuang bahay naman ay makikita ang nagkukumpulang mga lalakeng ng iinuman."And now,the end is near and so I face the final curtain..."Jusko!nagkakantahan pa.Di kaya magaya sila sa mga napatay dahil sa pagkanta nila ng "My Way"?Dinaig pa ang mga sunog baga sa Home Along da Riles.Ang aga aga bote ng alak na agad ang hawak.Noong isang gabi sila sila rin nakita ko nag iinuman.Araw-araw ba may kaarawan at araw-araw ba pyesta?Ginagawa na atang tubig ang alak sa mga natutuyo nilang lalamunan.Mukhang propesyon na nila ang pag inom.Walong oras din ata ang sesyon nila sa harap ng tagayan at alak.
Pumasok ako sa aking silid upang magpahinga at mapayapa ang isip ko.Naisip ko magsulat nalang ng isang akda tutal natahimik na ang buong paligid.Uumpisahan ko palang ang aking pagsusulat..."Pagbilang ko ng sampu nakatago na kayo.Isa,dalawa,tatlo,apat,lima...sampu! Bong! Eko.Bong! aj save"Eto nanaman!ingay naman ng mga grupo ng mga batang naglalaro ng taguan ang tumulig sa tenga ko.Jusko!nasa squatter ba ako?Subdivision naman tong tinitirhan namen.Bakit tila ata daig pa namen nakatira sa gilid ng riles ng tren at mga squatters mga katabi.
Sandali akong umupo at nag isip.Dapat na siguro akong masanay.Ako ay nabubuhay sa mundo.Sa lugar kung saan ang mga bagay ay nilikha ng Dyos upang makasama natin.Nilikha Nya ang mga tunog at ingay at nilikha ang mga tenga natin upang marinig ang Kanyang mga likha.
Bawat pangyayari at bagay sa mundo ay nilikha ng Dyos.Kasama ito sa araw-araw nating pamumuhay kaya dapat ipagpasalamat natin ang bawat araw na pagmulat natin kahit pa ingay ng kapitbahay ang naririnig naten.mychinitahttp://www.blogger.com/profile/14990059662306386770noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2688056872906394133.post-81816227854730510122009-08-19T03:19:00.000+08:002009-08-19T03:23:34.064+08:00Habang may Buhay, May Utang!Araw nanaman ng sahod. Ito ang araw na lage naming hinihintay ng mga ka opisina ko. Araw na lage naming tinititigan sa kalendaryo pag wala kaming magawa. Masaya ang lahat pag sumasapit ang araw ng sahuran, ngunit iba ito para samen ng mga katrabaho ko.
Kalbaryo ang araw ng sahod para samen. Tuwing sumasapit ang araw ng sahuran kanya kanyang hinaing ang naririnig ko. Sari-saring utang ang dapat bayaran. Pambayad sa upa sa bahay, hulog sa paluwagan, pambayad ng kuryente, pambayad sa utang sa load at maraming pang ibang utang na dapat bayaran.
Kumuha ako ng papel at lapis upang maglista ng mga dapat kong bayaran. Halos sumakit ang ulo ko habang iniisip kung pano ko pagkakasyahin ang sahod ko. Jusko! kulang pa pala ang sinahod ko sa mga babayaran ko. Abono pa pala ako. Daig ko pa ang pamilyado sa dami ng mga bayarin. Bakit kasi sa Laguna pa ko nakatira tapos sa Maynila ako nagtratrabaho. Pamasahe palang talo na ko. Bakit kasi ipinanganak akong mahirap? (emotera talaga ako).
Humirit pa tong mga kasamahan ko na mag inuman. “Tig iisang daan lang tayo. Isang bote lang tama na. Masayaran lang ng alak mga lalamunan naten” ang sabi ng kasamahan ko sa trabaho. Natawa nalang ako kasi kilala ko ang mga ka opisina ko. Di makukuntento ang mga yun ng isang bote lang. Imposible naman na isang daan lang ang magagastos namen. Wala pang pasok bukas kaya panigurado languan mangyayare mamaya. Lasing kung lasing. Ngayon nalang ulet kami makakalabas kasi lageng iniisip ang mga utang. Laging kulang ang sahod kaya di na magawang gumimik.
Bigla kong naisip, wala pala sa budget ko ang pang inom ko. Mukhang kukulangin ang sahod ko ah. Lintek kasi tong mga ka opisina ko. Nagyaya pang gumimik ang mga hayok sa alak na mga ito. Di naman pwede na di pa kakain bago uminom. Panira pa sa budget list ko. Kainis! Bahala na nga pag nag kulang ang pera ko. Mangungutang nalang ako sa coop. Jusko! utang nanaman. Mukha na kong utang.
kong naalala, mag aanak pa pala ako ng binyag. Di naman maaari na di ako magregalo. Kelangan ko rin ng pakimkim sa inaanak. Mamamasahe pa ko. Pagkalayo layo pa naman ng bahay ng kaibigan ko. Magkano din gagastusin ko dun. Bakit kasi ako pa ang kinikuha nilang ninang para sa mga anak nila. Di ba nila alam na napakakuripot ko. Di naman pwede ang tumanggi sa ganun. Malas daw yun.
“Putek na credit card yan oh tawag ng tawag. Makapagpalit nga muna ng sim. Ang kulit kulit sinabi ng wala pa ko pambayad eh.” Ang sambit ng isa kong ka opisina sa tabi ko. Nilapitan nya kami isa isa at binigay ang bago nyang numero. “Eto muna ang bago kong cell number. Tsaka na ko ulet magpapalit pag nakabayad na ko.” ang naiinis nyang bulong. Buti nalang tapos na ko sa putek na credit card nayan. Pinasara ko na ang account ko. Nakabawas din sa mga bayarin.
Sa likuran ko naman, kausap ng ka opisina ko ang isa ko pang ka opisina na magbabayad sa coop. “Di na muna ako maghuhulog sa contribution ha. Yung niloan ko na muna ang babayaran ko. Madami pa kasi akong utang na babayaran. Magbabayad pa ko ng credit card at ng iba ko pang niloan.” Ang inangal naman ng isa ko pang ka opisina. Akala nya siguro di ako nakikinig. Jusko! Tenga ko naman ang nagkasala. Teka! Kasalanan ko ba na matalas ang pandinig ko? Di lang pala mata ko ang nagkakasala pati pala ang tenga ko makasalan din.
“May bakante pa ba sa mga uutang sa coop?” ang tanong naman nung isa kong ka opisina. “Ipambabayad ko kasi ng equity ko sa bahay”. Eto nanaman! Utang nanaman ang narinig ko. Binging bingi na ko sa salitang UTANG. Nakakasakit na ng ulo. Halos lahat ata ng tao sa mundo may utang. Hay…Naalala ko nanaman ang sinabi ng ka opisina ko. HABANG MAY BUHAY, MAY UTANG!!!mychinitahttp://www.blogger.com/profile/14990059662306386770noreply@blogger.com0