Ngayon ko lang napost to dito sa blog ko pero naisulat ko na to nung Decemeber pa. Kasama to sa napublish sa online publication namen named RUBIK MINDS.
M – usika sa bawat tahanan ang mauulinigan
A – wit ng mga bata ang inaabangan
L – irika na pupukaw sa puso’t isipan
I – law ang sisindihan at pinto’y bubuksan
G – abi ay babalutin ng magagandang tinig
A – ng hatid ay ligaya sa lahat ng nakikinig
Y – ayabong ang pagmamahal sa bawat pusong pumipintig
A –t sa diwa ng Pasko tayo ay maaantig
N – gayong Kapaskuhan ating ipagdiwang
G – anap na araw para sa sino man
P – agsilang sa Kanya doon sa sabsaban
A – ng tatlong hari’y dumalaw at handog ay inilaan
S – imbolong ginto, pilak at kamanyang
K – islap ng bituin ang syang naging daan
O – ras na para salubungin si Hesus na hinirang
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment