Sa apat na sulok ng aking silid
Nababalot ng lungkot at katahimikan ang paligid
Yakap ang unan, luha’y nangingilid
Wari’y nakakubli ang dusa sa isip
Sa aking pag-iisa, luha’y di mapigilan
Ang pagpatak nito’y dusa ang iniwan
Bumabalik sa balintataw alaala ng nakaraan
Pilit iwinawaksi sa magulo kong isipan
Pag ibig nga ba ang syang dahilan?
O sadyang ako ay emotera lang?
Mahilig magdrama kahit kailan
Kahit walang kwenta ang iniiyakan
Ipinikit ang mata, diwa’y pinagpahinga
Sandaling nakatakas sa mga problema
Nagsimulang managinip ng malapantasya
Kahit sa panaginip ay naging maligaya
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment