Tuesday, October 06, 2009

GANTI NG KALIKASAN

Magugunaw naba ang mundo? Yan ang tanong ng maraming tao. Sa nag daang bagyong Ondoy tila katapusan ng ng mundo sa ibang tao na nakaranas ng ganti ng kalikasan. Marami sa mga kababayan natin ang nawalan ng tahanan, kagamitan at maging mahal sa buhay. Tila kay lupit ng kalikasan na tumama sa ating bansa. Isang dagok sa buhay ng mga Pilipino at sa buong Pilipinas ang naranasang kalamidad. Marami ang nakaligtas ngunit marami rin ang nasawi. Marami pang lugar sa ngayon ang lubog pa rin sa baha. Karamihan din sa mga tao ay tuluyan ng nilamon ng matinding baha at di pa nakikita ang mga bangkay nila. Isang pagsubok na magiging aral sa lahat ng tao.


Masasabing ang pangunahing dahilan ng mga ganitong sakuna ay yung tinatawag nating Climate Change – “This term is commonly used interchangeably with "global warming" and "the greenhouse effect," but is a more descriptive term. Climate change refers to the buildup of man-made gases in the atmosphere that trap the suns heat, causing changes in weather patterns on a global scale. The effects include changes in rainfall patterns, sea level rise,potential droughts, habitat loss, and heat stress. The greenhouse gases of most concern are carbon dioxide, methane, and nitrous oxides. If these gases in our atmosphere double, the earth could warm up by 1.5 to 4.5 degrees by the year 2050, with changes in global precipitation having the greatest consequences.” – (green-networld.com/facts/glossary.htm)


Kanino ba natin dapat isisi ang lahat ng mga nangyayari sa mundo natin? Malaki ang parte ng tao sa katanungang ito. Walang ibang dapat sisihin sa mga nangyayari sa mundo kundi tayong mga tao rin. Ginawa ng Dyos ang mundo upang ating tirhan at ginawa Nya ang tao upang syang mag alaga dito. Sa kabila nito, nagiging malupit ang tao sa ating kalikasan. Marami ang nagpuputol ng puno na syang dapat magiging pananggalang natin sa mga baha at landslide. Marami din ang walang disiplina sa pagtatapon ng basura. Kung saan saan lang natin tinatapon ang mga basura natin. Tinatapon ng ibang tao ang mga basura nila sa mga ilog na nagdudulot ng pag bara at pagkalason ng mga ito.


Sa kabilang banda naman, dahil sa mga ganitong pangyayari makikita natin ang pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa. Mapapatunayan din sa ganitong sakuna na di pantay pantay ang tao. Kahit mahirap o mayaman ka di ka makakaligtas sa hagupit na dulot ng mga sakuna tulad ng bagyo. Ngunit sa kabila ng kahirapan ay bayanihan pa rin ang nangunguna sa mga Pilipino. Bukas palad ang lahat sa pagtulong sa mga kapos palad. Handang tumulong ang kahit sa maliit na paraan lang.


Sana magsilbing aral ang Bagyong Ondoy sa lahat ng tao. Alagaan natin ang ating kalikasan. Pahalagaan ang bawat biyayang binigay sa atin ng Dyos. Manalangin at Manalig sa Kanya dahil walang ibang makakapagligtas sa atin kundi ang taimtim na panalangin.

No comments:

Post a Comment