Wednesday, October 28, 2009

HUWAD

Tinatago ang tunay na katauhan
Pagbabalatkayo ang tanging kinagisnan
Kasinungalingan ang syang bumubuhay
Sa kanyang pagkataong walang saysay

Maling gawain ang sumasalamin
Maskarang bumabalot at umaangkin
Sa pariwarang buhay na tinatahak
Bulok, masangsang at niyuyurak

Dungis ng iba ang palaging pinupuna
Ngunit sariling putik nya ang dala dala
Kung ano ang sa iba’y ipinupula
Yun ang sya naman nyang ginagawa

Poot, galit, inggit at paghihiganti
Mga ugaling hindi nya maisantabi
Gawaing paulit ulit na di maikubli
Kahit katauhan nyang ipinagbibili

“Sigurado ka ba sa iyong mga akala?”
“Di kaya isa lang yang tamang hinala?”
Huwad, “masdan mo ang iyong sarili”
“Dapat ka ng magising at magsisi”

No comments:

Post a Comment