Wednesday, October 28, 2009

HUWAD

Tinatago ang tunay na katauhan
Pagbabalatkayo ang tanging kinagisnan
Kasinungalingan ang syang bumubuhay
Sa kanyang pagkataong walang saysay

Maling gawain ang sumasalamin
Maskarang bumabalot at umaangkin
Sa pariwarang buhay na tinatahak
Bulok, masangsang at niyuyurak

Dungis ng iba ang palaging pinupuna
Ngunit sariling putik nya ang dala dala
Kung ano ang sa iba’y ipinupula
Yun ang sya naman nyang ginagawa

Poot, galit, inggit at paghihiganti
Mga ugaling hindi nya maisantabi
Gawaing paulit ulit na di maikubli
Kahit katauhan nyang ipinagbibili

“Sigurado ka ba sa iyong mga akala?”
“Di kaya isa lang yang tamang hinala?”
Huwad, “masdan mo ang iyong sarili”
“Dapat ka ng magising at magsisi”

Tuesday, October 06, 2009

GANTI NG KALIKASAN

Magugunaw naba ang mundo? Yan ang tanong ng maraming tao. Sa nag daang bagyong Ondoy tila katapusan ng ng mundo sa ibang tao na nakaranas ng ganti ng kalikasan. Marami sa mga kababayan natin ang nawalan ng tahanan, kagamitan at maging mahal sa buhay. Tila kay lupit ng kalikasan na tumama sa ating bansa. Isang dagok sa buhay ng mga Pilipino at sa buong Pilipinas ang naranasang kalamidad. Marami ang nakaligtas ngunit marami rin ang nasawi. Marami pang lugar sa ngayon ang lubog pa rin sa baha. Karamihan din sa mga tao ay tuluyan ng nilamon ng matinding baha at di pa nakikita ang mga bangkay nila. Isang pagsubok na magiging aral sa lahat ng tao.


Masasabing ang pangunahing dahilan ng mga ganitong sakuna ay yung tinatawag nating Climate Change – “This term is commonly used interchangeably with "global warming" and "the greenhouse effect," but is a more descriptive term. Climate change refers to the buildup of man-made gases in the atmosphere that trap the suns heat, causing changes in weather patterns on a global scale. The effects include changes in rainfall patterns, sea level rise,potential droughts, habitat loss, and heat stress. The greenhouse gases of most concern are carbon dioxide, methane, and nitrous oxides. If these gases in our atmosphere double, the earth could warm up by 1.5 to 4.5 degrees by the year 2050, with changes in global precipitation having the greatest consequences.” – (green-networld.com/facts/glossary.htm)


Kanino ba natin dapat isisi ang lahat ng mga nangyayari sa mundo natin? Malaki ang parte ng tao sa katanungang ito. Walang ibang dapat sisihin sa mga nangyayari sa mundo kundi tayong mga tao rin. Ginawa ng Dyos ang mundo upang ating tirhan at ginawa Nya ang tao upang syang mag alaga dito. Sa kabila nito, nagiging malupit ang tao sa ating kalikasan. Marami ang nagpuputol ng puno na syang dapat magiging pananggalang natin sa mga baha at landslide. Marami din ang walang disiplina sa pagtatapon ng basura. Kung saan saan lang natin tinatapon ang mga basura natin. Tinatapon ng ibang tao ang mga basura nila sa mga ilog na nagdudulot ng pag bara at pagkalason ng mga ito.


Sa kabilang banda naman, dahil sa mga ganitong pangyayari makikita natin ang pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa. Mapapatunayan din sa ganitong sakuna na di pantay pantay ang tao. Kahit mahirap o mayaman ka di ka makakaligtas sa hagupit na dulot ng mga sakuna tulad ng bagyo. Ngunit sa kabila ng kahirapan ay bayanihan pa rin ang nangunguna sa mga Pilipino. Bukas palad ang lahat sa pagtulong sa mga kapos palad. Handang tumulong ang kahit sa maliit na paraan lang.


Sana magsilbing aral ang Bagyong Ondoy sa lahat ng tao. Alagaan natin ang ating kalikasan. Pahalagaan ang bawat biyayang binigay sa atin ng Dyos. Manalangin at Manalig sa Kanya dahil walang ibang makakapagligtas sa atin kundi ang taimtim na panalangin.

SALAMAT

Bilang pasasalamat kay ronstar, I also wrote a poem for him.


Di ko akalain
Na ako’y mapapansin
Gagawan mo ng tula
At iaalay sa akin


Salamat sa paghanga
At pag gawa ng tula
Lubos akong natuwa
Sa iyong pinakita


Lubos din akong humahanga
Sa iyong mga gawa
Tunay na katangi tangi
Lahat ay napapangiti


Minsan may kalokohan
Ngunit kapupulutan
Tatatak sa isipan
Aral ang iiwanan

A Gift from ronstar

ronstar ( a member from symbianize) wrote this poem for me. I was surprised by this poem. I'm so thankful na gawan ng isang tao ng tula. Sobrang na appreciate ko to. I just want to share it with you guys.


Duon sa Choco Gang
Ako'y may namataan
Mylene_singer ang ngalan
At akin siyang hinangaan
..

Sa tuwing akoy napapadaan
Tahimik kong pinagmamasdan
Banat niyang kakaiba
Punong puno at may laman
..
Ang sabi pa nga niya
Mga akda niya'y walang kwenta
Ngunit pagtapos kong magbasa
Agad akong napatunganga

..

Pagkat kanyang mga gawa
Akda man o Tula
Sa puso mo ay tatama
Tunay itong kahanga hanga

..

Sa tula kong ito
Nais kong ipahatid sa iyo
Na ikaw ay aking idolo
Magunaw man ang mundo

..

Aking pasasalamat
Sana'y iyong matangap
Pagkat para sa akin
Ay isa kang alamat

Monday, October 05, 2009

Kahapon, Ngayon at Bukas

Di ko alam at di ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako sa isang taong nagbibigay sakin ng halaga. Isang taong nagpapasaya lage saken at isang taong nagbibigay ng ngiti saken. Gusto ko ihandog sa kanya ang tulang ito. Sa kabila ng lahat, di pa lubos ang aking kaligayahan dahil sa mga gumugulo sa isip ko. Di na mahalaga saken ang KAHAPON, Di ko muna iisipin ang BUKAS. Ang mahalaga saken ay yung NGAYON!


Matagal nahimlay ang puso
Ilang taon ring nabilanggo
Natatakot na muling mabigo
Sa mga kasinungalingang pangako

Matinding hapdi ang idinulot
Sa nagdaang mga relasyon
Di alam kung tamang desisyon
Wakasan at muling bumangon

Heto ka ngayon at muling binubuhay
Puso ko ngayo’y binibigyang kulay
Muli mong binibigyang ngiti
Ang puso kong puro hapdi

Ikaw ang buhay ko ngayon
Sana ito’y pang habang panahon
Salamat sa iyong pagmamahal
Panalangin ko ito’y magtagal

Walang makapaghihiwalay sa atin
Maging langit ating tatahakin
Doon ipagpapatuloy pagmamahalan natin
Dyos ang Syang gagabay pa rin

FAREWELL MY FRIEND

I wrote this poem for Warren (my friend/officemate). He will be leaving this month. I will miss him so much.


W - onderful
A - nd
R - eally
R - emarkable
E - ver
frie-N-d



You’ve been a good friend to me
A friend, you’ll always be
Although we had ups and downs
still, we know how to forget the frowns


I'll always remember our good memories
The band, the team, we have cherished
You’re always the one who plays the guitar
Remember the time we we’re at the bar.


I learned more things from you
A walk of life that you’ve been through
It strikes my heart without residue
A good heart discovered inside of you.

Now that you are leaving
All of us are crying
Farewell my friend, it’s not the end
Forever, we'll treasure you my friend.

Thursday, October 01, 2009

CONFUSED

I wrote this poem for my honey. In fact, matagal na nya ko kinukulet na gumawa ng poem kaso I don't know how to start.


I don’t know what I’m feeling right now
Can’t hide it and I really can’t help it
Is it love or I just want to deny it?
I’m confused with this feeling I can’t resist

I want to say I love you
But it’s not the right time to say
I want to be with you
Yet time seems to be the hindrance

I’m afraid to finally see you
with the possibility of losing you
Can’t wait to kiss your lips
And feel your hug through my fingertips

Now I’m going with the flow
Happy for the feelings to let go
Isn’t it ironic?
I don’t want to be pathetic

I’m asking God for a sign
Whether I continue this feeling inside
I’m hoping after all this time
You, too will become my life for a lifetime.