Hay… isang nakababagot na hapon nanaman. Eto ako walang magawa kaya naisipan sulatin ang isang walang kwentang sanaysay na to. Anu bang pedeng gawin sa maghapon na walang trabaho? Nakatingin sa oras sa aking computer at nag hihintay ng oras ng uwian. Nakatingin sa kalendaryo at nagbibilang ng araw kung hanggang kelan kami ganito at kung kelan ang susunod na sahod. Lahat na ata ng laro sa company site namen nalaro ko na. Parking game, Finance (tawag naming to sa isang laro na kami lang ng mga kateam ko nakakaalam), Lateral Thinking etc. Lahat na ata ng files sa folders ng lahat ng kateam ko nabuklat ko na. May lyrics ng kanta. May tungkol sa kalusugan at may mga inspirational thoughts na kong nabasa. Jusko pati listahan ng mga utang nabasa ng malikot kong mata. Maging mga larawan na naka save sa mga folders nakita ko na rin at napagmasdan ang mga nakakatawang kuha ng bawat isa.
Nakakamiss din pala ang peak season. Yung tipong halos dito na kami sa office tumira. Yung halos mamanghe na kame dito kasi halos 24 hours na kami nakaharap sa computer at nagtratrabaho. Halos di ko na magawang magpunta ng palikuran para umihe. Yung walang kamatayang ot. Hay naku, pag may trabaho nagrereklamo. Pag walang trabaho nagrereklamo din. Pero masaya kahit nakakapagod dahil lahat masayang kasama. Kahit na mga pagod sa trabaho eh nakukuha paring ngumiti at tumawa. Masarap din ang sumahod ng malaki para ipambayad sa mga utang. Wala ata sa mga kateam ko ang walang utang. Sabi nga ng isa kong kateam “HABANG MAY BUHAY, MAY UTANG” nakakatawa pero sa kabilang banda may punto rin sya. Sabi naman ng isa kong kateam. “HABANG MAY TRABAHO, MAY PAMBAYAD UTANG”. Hay naku! nakakatawa minsan ang buhay. Umiikot ang tao sa problema. Di ka normal kung wala kang problema.
Aba uwian na pala di ko namalayan ang oras dahil sa pagsusulat nitong maikli kong sanaysay. Teka! Sanaysay ba ito? O kwentong kutsero lang? Gumana nanaman ang aking imahinasyon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment