Kayo ba ay isang makakalimutin? Naranasan mo na bang lutang ang isip mo?
Hay naku may nakalimutan nanaman akong dalhin. Nakalimutan ko dalhin yung extra battery ng cellphone ko. Araw araw nalang may isang bagay akong nakakalimutan. Pera, payong, jacket etc. Bakit ba ko ganito?
Minsan pumasok ako sa paliguan upang maligo. Pagkatapos kong maligo at magbibihis na ako nakalimutan ko pala magdala sa loob ng paliguan ng damit panloob.hahaha nakakatawa talaga. Sa dami ng makakalimutan ko eh yung panloob pa. At di lang yan nakalimutan ko din magdala ng tuwalya. Panu nalang yun? Lalabas ako ng nakahubad? Jusko po! Dali dali kong tinawag ang aking kapatid upang utusang kunin ang bagay na aking nakalimutan.
Isang araw naman ako’y nagtungo sa kusina upang magtimpla ng kape. Dinampot ko ang baso at nilagyan ng mainit na tubig. Sa halip na ako ay kumuha ng kutsara upang gamitin sa pagtimpla ng kape ay aking dinampot ang aking toothbrush. Napansin din yun ng aking mommy at sya ay natawa. Lutang nanaman ako! Bigla ako nagising sa ulirat at natawa din sa sarili ko dahil sa halip na kutsara ang kunin ko ay toothbrush ang hinawakan ko. Ewan ko nga ba kung bakit yun ang sumagi sa utak ko. Iyon ang idinikta ng utak ko na gawin ko.
Magkikita kami ng mga Choco Gang (Pangalan ng tropa namin) kasi celebration ng aking karawan nun. Nakasakay na ko sa tricycle nun at pagtingin ko sa bag ko eh nakalimutan ko pala ang wallet ko. Wala akong ipambabayad sa driver ng tricycle at wala din ako ibabayad sa pamasahe sa bus at wala rin akong ibabayad sa kakainin namin. Baka maghugas nalang ako ng pinggan. Bigla akong bumaba sa tricycle kahit malayo na ang bahay namen para bumalik at kunin ang naiwan kong pera. Nakakainis kasi naglakad pa ko ng pagkalayo layo. Nakakainis talaga ang pagiging makakalimutin minsan.
Sa tuwing nag uutos sa akin ang ate ko para may bilhin, lage ko sinasabi sa kanya na itext ako kapag malapit na ko para di ko makalimutan. Sabi ng mommy ko nung panahon na ako’y may kasintahan pa, buti nalang daw at di ko nakakalimutan ang aking kasintahan. Buti nalang daw at alam ko pa ang daan papasok ng opisina at daan pauwi ng bahay.
Nung ako ay nag aaral pa matalas ang aking memorya. Isang basa ko lang naisasaulo ko na ang aking mga aralin. Madalas ako makakuha ng mataas na marka sa aming mga pagsusulit. Matalas din ang aking memorya pagdating sa Matematika ngunit ngayon tila parang kinakalawang na ang aking kaisipan. Maraming mga bagay na di ko na maalala. Maraming mga napag aralan ang di ko na alam balikan. Minsan kahit ang Ingles eh nakalimutan ko na rin. Tila nabobobo na ko.
Di nagkukulang ang aking magulang at mga kapatid sa pagpapaalala na uminom daw ako ng memo plus gold (nag plugging pa). Bumili ako ng isang banig na gamot para naman makatulong sa mapurol ko ng isip. Ngunit ang nakakatawa don eh bumili nga ako ng gamot pero nakakalimutan ko rin naman itong inumin. Hay… Pasaway talaga ako.
Minsan naitatanong ko sa sarili ko kelangan ko naba magpatingin? Baka may sakit na talaga ako. O normal lang ito sa isang tao? Ngunit kinakatakot ko ay baka akalain nila na ako’y isa ng baliw. Baka sa mental na ako dalhin. Ayoko dun! Hahaha. Nakakatawa nalang isipin.
Teka! Nakalimutan ko. Naiihi pala ako. Buti nalang naramdaman ko na sumasakit na ang pantog ko. Teka san nga ba ang papuntang palikuran paglabas ko ng pintuan? Kaliwa ba o kanan?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment