Pebrero 13, 2009, Araw ng biyernes. Ganap ng ika dalawa ng madaling araw. Sabi ng karamihan lalo na ng matatanda, lumalabas daw ang mga masasamang ispiritu pag “Friday the 13th” Malas daw ang araw na ito sabi ng lola ko. Alam nyo naman matatanda lahat nalang ata pinaniniwalaan. Kahit anong kababalaghan eh kasama na ng makaluma nilang pamumuhay. Laging sinasabi ng lola ko nung nabubuhay pa sya na wag daw ako lalabs ng bahay pag sumasapit ang “Friday the 13th” May masama daw na mangyayari saken.
Masyado pa ako bata noon at lahat ng kwento ng lola ko tungkol sa mga kababalaghan ay pinaniniwalaan ko. Naalala ko pa yung lola ko na laging nagkukwento na may mga kabayo daw na nagtatakbuhan sa likod bahay namen. Pati mga Kastila ay sakay daw ng mga kabayong itim. Sabi ng mommy ko nag uulyanin lang daw ang lola ko at wag daw ako magpapaniwala sa mga nakikita nya. Lagi ako nakikinig sa mga kwento ng lola ko dahil sya ang lagi ko nakakasama. Masasabi kong maka lola ako kaya siguro wala na ko magagawa kundi ang paniwalaan sya sa mga kwento nya. Naniniwala ako kasi ayon din sa mga pinsan ko may nakita daw silang kapre sa may likod bahay namen noon sa Tanay, Rizal. Nakatira daw yon sa malaking puno ng mangga na nakatayo doon. Malaki ang bahay namen doon at nakakatakot sa may likod bahay dahil maraming puno at sinasabing sa kabilang pader na nakatayo ang farm ng kapitnahay ay may nagpapakita daw na mga tinatawag na white lady.
Di ko namalayan ang oras dahil sa panood ng telebisyon. Alas tres na pala ng madaling araw. Di ako dalawin ng antok dahil na rin siguro sa ininom kong isang malaking tasa ng kape. Ayon sa “The Exorcism of Emily Rose” “Devil’s hour” daw ang oras na yon. Ganung oras daw naganap ang pagsapi sa kanya ng masasamang ispiritu. Iyon ang pinaniniwalaan ng maraming tao na ikinamatay nya. Kahit na nakakatakot ay di ako nagpadala sa mga ka opisina ko tungkol sa mga nakakatakot na kwento. Muli ko rin naalala ang babaeng kinuwento ng kaopisina ko na pilit daw hinahatak ng isang bata pababa ng elevator sa 13th floor ngunit ayon sa mga guards at receptionist ng gusaling iyon wala daw 13th floor sa gusaling iyon. Kinabukasan daw di na muling nakita ang babae.
Wala akong magawa kaya’t binuksan ko ang computer ko upang mag internet. Tahimik ang buong paligid. Walang ingay na maririnig maliban sa tunog ng keyboard ng computer at ng electric fan na nakatutok saken. Matapang ako at di ako yung tipo na natatakot sa mga multo. Kahit nung bata pa ko pag nagkukuwento ang lola ko ay di ako natatakot. Malakas ang loob ko at pananampalataya ko sa Dyos kaya di ako nakakaramdam ng pagkatakot. Ngunit sumagi sa isipan ko lahat ng mga naikwento saken ng mga kaopisina ko. Pati na rin ang naikwento ng kuya ko na may babae daw na nagpapakita sa bahay na inalisan namen nung isang buwan.. Ayon sa albularyo na tumingin sa bahay namen pinagsamantalahan daw ang babaeng iyon at pinukpok ng malaking bato ang ulo nito dahilan kung kaya’t binawian ito ng buhay. Lagi yon nagpapakita sa kuya ko at maging ang mommy ko at kasintahan ng kuya ko ay nakita din nila. “Bakit ako di ko nakikita? Baka guni guni nyo lang yon.” ang lagi kong sinasabi sa tuwing nagkakakwentuhan kami ng mga kapatid ko.
Sandali akong natahimik at lumingon sa paligid ko. Wala naman akong nakitang kakaiba. “Hay siguro tinatakot ko lang sarili ko. Wala naman sigurong multo” ang bulong ko lang sa isip ko. Agad ako nagdasal para mawala ang takot ko. Pinagpatuloy ko ang pag iinternet ko. Biglang dumampi sa tenga ko ang malamig na hangin na nanggagaling sa bintana malapit sa kinatatayuan ng computer. Biglang tumayo ang mga balahibo sa braso at mga binti ko. Bumilis din ang pintig ng puso ko na tila naninikip na ang paghinga ko sa takot. Bago ko palang ituturn off ang computer ng biglang namatay ito ng kusa. Bigla akong napasigaw ng malakas at nagising ang kuya ko. Iyak ako ng iyak dahil akala ko minumulto na ko. Binatukan ako ng kuya ko at sinabing “Timang! Naapakan mo yung ekstensyon. Maluwag kaya nahugot sa pagkakasaksak. Tinatakot mo lang sarili mo. Matulog ka na nga at sa susunod wag ka na mgpupuyat ng hanggang madaling araw. Kung anu ano naiisip mo” ang natatawang may halong sermon ng kuya ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment