Wednesday, August 19, 2009

Ingay ng mga Kapitbahay

"Jai-Ho,You are the reason that I breathe.Jai-Ho,You are the reason that I still believe.Jai-Ho,You are my destiny.Jai-Ho.uh-huh-uh-oh!".yan ang tunog na gumising sa aking mapayapa at mahimbing na pagkakatulog,umigting sa mga natutulog kong tenga,at nagpainit ng ulo ko na dapat sana'y napakagandang umaga.


Papungas pungas kong tinignan ang orasan.Alas otso palang pla ng umaga.Alas Dos na ko nakatulog tapos gigisingin lang ako ng napakalakas na tunog na yun.Dali dali kong hinanap kung san nanggagaling ang napakaingay na musikang iyon.Jusko!Musika pala sa kapitbahay."May party ba?"ang tanong ko sa kapatid ko. "Daig pa ang pyestahan sa ingay ah.Parang walang mga kapitbahay na nabubulabog!" Mano ba'y maya na magpatugtog 'tong mga kapitbahay ko pag gising na ako.Wala pa walong oras akong natutulog!Nakakabwisit pa dun naputol ang malapantasya kong panaginip.Hahalikan na sana ako ng crush ko sa panaginip ko naudlot pa.Dadampi na sana nya ang mga mapupula nyang labi sa aking mga labi ng bigla ako nagising dahil sa ingay.Sa panaginip ko na nga lang sya mapagpapantasyahan nabigo pako.Pag minamalas ka nga naman!Bakit kasi di muna pinatapos yung eksena sa panaginip ko.Kainis talaga!


"Makapag almusal na nga".Habang nagtitimpla ako ng kape, "@!.&%* $€£ @*!!! Lumayas ka na dito.Wala ka ng ginawa kundi umuwi ng lasing tapos inuubos mo lang ang pera sa sugal.Wala ka ng ginawang magaling!"Pak!Pak!Blog!Tsug! Jusko!muntik ko ng mabitawan ang tasa ng kape na tinimpla ko.Nagbubugbugan na ata mga kapitbahay namen.Ang aga aga away ang almusal ko.Bangayan dito bangayan dun.Murahan dito,murahan dun.Ang iingay pa ng mga bunganga ng mga lintek na kapitbahay ko.


Sa di kalayuang bahay naman ay makikita ang nagkukumpulang mga lalakeng ng iinuman."And now,the end is near and so I face the final curtain..."Jusko!nagkakantahan pa.Di kaya magaya sila sa mga napatay dahil sa pagkanta nila ng "My Way"?Dinaig pa ang mga sunog baga sa Home Along da Riles.Ang aga aga bote ng alak na agad ang hawak.Noong isang gabi sila sila rin nakita ko nag iinuman.Araw-araw ba may kaarawan at araw-araw ba pyesta?Ginagawa na atang tubig ang alak sa mga natutuyo nilang lalamunan.Mukhang propesyon na nila ang pag inom.Walong oras din ata ang sesyon nila sa harap ng tagayan at alak.


Pumasok ako sa aking silid upang magpahinga at mapayapa ang isip ko.Naisip ko magsulat nalang ng isang akda tutal natahimik na ang buong paligid.Uumpisahan ko palang ang aking pagsusulat..."Pagbilang ko ng sampu nakatago na kayo.Isa,dalawa,tatlo,apat,lima...sampu! Bong! Eko.Bong! aj save"Eto nanaman!ingay naman ng mga grupo ng mga batang naglalaro ng taguan ang tumulig sa tenga ko.Jusko!nasa squatter ba ako?Subdivision naman tong tinitirhan namen.Bakit tila ata daig pa namen nakatira sa gilid ng riles ng tren at mga squatters mga katabi.


Sandali akong umupo at nag isip.Dapat na siguro akong masanay.Ako ay nabubuhay sa mundo.Sa lugar kung saan ang mga bagay ay nilikha ng Dyos upang makasama natin.Nilikha Nya ang mga tunog at ingay at nilikha ang mga tenga natin upang marinig ang Kanyang mga likha.


Bawat pangyayari at bagay sa mundo ay nilikha ng Dyos.Kasama ito sa araw-araw nating pamumuhay kaya dapat ipagpasalamat natin ang bawat araw na pagmulat natin kahit pa ingay ng kapitbahay ang naririnig naten.

No comments:

Post a Comment