Sunday, August 23, 2009

EKSTENSYON

Pebrero 13, 2009, Araw ng biyernes. Ganap ng ika dalawa ng madaling araw. Sabi ng karamihan lalo na ng matatanda, lumalabas daw ang mga masasamang ispiritu pag “Friday the 13th” Malas daw ang araw na ito sabi ng lola ko. Alam nyo naman matatanda lahat nalang ata pinaniniwalaan. Kahit anong kababalaghan eh kasama na ng makaluma nilang pamumuhay. Laging sinasabi ng lola ko nung nabubuhay pa sya na wag daw ako lalabs ng bahay pag sumasapit ang “Friday the 13th” May masama daw na mangyayari saken.

Masyado pa ako bata noon at lahat ng kwento ng lola ko tungkol sa mga kababalaghan ay pinaniniwalaan ko. Naalala ko pa yung lola ko na laging nagkukwento na may mga kabayo daw na nagtatakbuhan sa likod bahay namen. Pati mga Kastila ay sakay daw ng mga kabayong itim. Sabi ng mommy ko nag uulyanin lang daw ang lola ko at wag daw ako magpapaniwala sa mga nakikita nya. Lagi ako nakikinig sa mga kwento ng lola ko dahil sya ang lagi ko nakakasama. Masasabi kong maka lola ako kaya siguro wala na ko magagawa kundi ang paniwalaan sya sa mga kwento nya. Naniniwala ako kasi ayon din sa mga pinsan ko may nakita daw silang kapre sa may likod bahay namen noon sa Tanay, Rizal. Nakatira daw yon sa malaking puno ng mangga na nakatayo doon. Malaki ang bahay namen doon at nakakatakot sa may likod bahay dahil maraming puno at sinasabing sa kabilang pader na nakatayo ang farm ng kapitnahay ay may nagpapakita daw na mga tinatawag na white lady.


Di ko namalayan ang oras dahil sa panood ng telebisyon. Alas tres na pala ng madaling araw. Di ako dalawin ng antok dahil na rin siguro sa ininom kong isang malaking tasa ng kape. Ayon sa “The Exorcism of Emily Rose” “Devil’s hour” daw ang oras na yon. Ganung oras daw naganap ang pagsapi sa kanya ng masasamang ispiritu. Iyon ang pinaniniwalaan ng maraming tao na ikinamatay nya. Kahit na nakakatakot ay di ako nagpadala sa mga ka opisina ko tungkol sa mga nakakatakot na kwento. Muli ko rin naalala ang babaeng kinuwento ng kaopisina ko na pilit daw hinahatak ng isang bata pababa ng elevator sa 13th floor ngunit ayon sa mga guards at receptionist ng gusaling iyon wala daw 13th floor sa gusaling iyon. Kinabukasan daw di na muling nakita ang babae.


Wala akong magawa kaya’t binuksan ko ang computer ko upang mag internet. Tahimik ang buong paligid. Walang ingay na maririnig maliban sa tunog ng keyboard ng computer at ng electric fan na nakatutok saken. Matapang ako at di ako yung tipo na natatakot sa mga multo. Kahit nung bata pa ko pag nagkukuwento ang lola ko ay di ako natatakot. Malakas ang loob ko at pananampalataya ko sa Dyos kaya di ako nakakaramdam ng pagkatakot. Ngunit sumagi sa isipan ko lahat ng mga naikwento saken ng mga kaopisina ko. Pati na rin ang naikwento ng kuya ko na may babae daw na nagpapakita sa bahay na inalisan namen nung isang buwan.. Ayon sa albularyo na tumingin sa bahay namen pinagsamantalahan daw ang babaeng iyon at pinukpok ng malaking bato ang ulo nito dahilan kung kaya’t binawian ito ng buhay. Lagi yon nagpapakita sa kuya ko at maging ang mommy ko at kasintahan ng kuya ko ay nakita din nila. “Bakit ako di ko nakikita? Baka guni guni nyo lang yon.” ang lagi kong sinasabi sa tuwing nagkakakwentuhan kami ng mga kapatid ko.

Sandali akong natahimik at lumingon sa paligid ko. Wala naman akong nakitang kakaiba. “Hay siguro tinatakot ko lang sarili ko. Wala naman sigurong multo” ang bulong ko lang sa isip ko. Agad ako nagdasal para mawala ang takot ko. Pinagpatuloy ko ang pag iinternet ko. Biglang dumampi sa tenga ko ang malamig na hangin na nanggagaling sa bintana malapit sa kinatatayuan ng computer. Biglang tumayo ang mga balahibo sa braso at mga binti ko. Bumilis din ang pintig ng puso ko na tila naninikip na ang paghinga ko sa takot. Bago ko palang ituturn off ang computer ng biglang namatay ito ng kusa. Bigla akong napasigaw ng malakas at nagising ang kuya ko. Iyak ako ng iyak dahil akala ko minumulto na ko. Binatukan ako ng kuya ko at sinabing “Timang! Naapakan mo yung ekstensyon. Maluwag kaya nahugot sa pagkakasaksak. Tinatakot mo lang sarili mo. Matulog ka na nga at sa susunod wag ka na mgpupuyat ng hanggang madaling araw. Kung anu ano naiisip mo” ang natatawang may halong sermon ng kuya ko.

Wednesday, August 19, 2009

Sa aking Paru-paro


Fear of Losing You


Bunga ng Siyensya


Start of an End

Ingay ng mga Kapitbahay

"Jai-Ho,You are the reason that I breathe.Jai-Ho,You are the reason that I still believe.Jai-Ho,You are my destiny.Jai-Ho.uh-huh-uh-oh!".yan ang tunog na gumising sa aking mapayapa at mahimbing na pagkakatulog,umigting sa mga natutulog kong tenga,at nagpainit ng ulo ko na dapat sana'y napakagandang umaga.


Papungas pungas kong tinignan ang orasan.Alas otso palang pla ng umaga.Alas Dos na ko nakatulog tapos gigisingin lang ako ng napakalakas na tunog na yun.Dali dali kong hinanap kung san nanggagaling ang napakaingay na musikang iyon.Jusko!Musika pala sa kapitbahay."May party ba?"ang tanong ko sa kapatid ko. "Daig pa ang pyestahan sa ingay ah.Parang walang mga kapitbahay na nabubulabog!" Mano ba'y maya na magpatugtog 'tong mga kapitbahay ko pag gising na ako.Wala pa walong oras akong natutulog!Nakakabwisit pa dun naputol ang malapantasya kong panaginip.Hahalikan na sana ako ng crush ko sa panaginip ko naudlot pa.Dadampi na sana nya ang mga mapupula nyang labi sa aking mga labi ng bigla ako nagising dahil sa ingay.Sa panaginip ko na nga lang sya mapagpapantasyahan nabigo pako.Pag minamalas ka nga naman!Bakit kasi di muna pinatapos yung eksena sa panaginip ko.Kainis talaga!


"Makapag almusal na nga".Habang nagtitimpla ako ng kape, "@!.&%* $€£ @*!!! Lumayas ka na dito.Wala ka ng ginawa kundi umuwi ng lasing tapos inuubos mo lang ang pera sa sugal.Wala ka ng ginawang magaling!"Pak!Pak!Blog!Tsug! Jusko!muntik ko ng mabitawan ang tasa ng kape na tinimpla ko.Nagbubugbugan na ata mga kapitbahay namen.Ang aga aga away ang almusal ko.Bangayan dito bangayan dun.Murahan dito,murahan dun.Ang iingay pa ng mga bunganga ng mga lintek na kapitbahay ko.


Sa di kalayuang bahay naman ay makikita ang nagkukumpulang mga lalakeng ng iinuman."And now,the end is near and so I face the final curtain..."Jusko!nagkakantahan pa.Di kaya magaya sila sa mga napatay dahil sa pagkanta nila ng "My Way"?Dinaig pa ang mga sunog baga sa Home Along da Riles.Ang aga aga bote ng alak na agad ang hawak.Noong isang gabi sila sila rin nakita ko nag iinuman.Araw-araw ba may kaarawan at araw-araw ba pyesta?Ginagawa na atang tubig ang alak sa mga natutuyo nilang lalamunan.Mukhang propesyon na nila ang pag inom.Walong oras din ata ang sesyon nila sa harap ng tagayan at alak.


Pumasok ako sa aking silid upang magpahinga at mapayapa ang isip ko.Naisip ko magsulat nalang ng isang akda tutal natahimik na ang buong paligid.Uumpisahan ko palang ang aking pagsusulat..."Pagbilang ko ng sampu nakatago na kayo.Isa,dalawa,tatlo,apat,lima...sampu! Bong! Eko.Bong! aj save"Eto nanaman!ingay naman ng mga grupo ng mga batang naglalaro ng taguan ang tumulig sa tenga ko.Jusko!nasa squatter ba ako?Subdivision naman tong tinitirhan namen.Bakit tila ata daig pa namen nakatira sa gilid ng riles ng tren at mga squatters mga katabi.


Sandali akong umupo at nag isip.Dapat na siguro akong masanay.Ako ay nabubuhay sa mundo.Sa lugar kung saan ang mga bagay ay nilikha ng Dyos upang makasama natin.Nilikha Nya ang mga tunog at ingay at nilikha ang mga tenga natin upang marinig ang Kanyang mga likha.


Bawat pangyayari at bagay sa mundo ay nilikha ng Dyos.Kasama ito sa araw-araw nating pamumuhay kaya dapat ipagpasalamat natin ang bawat araw na pagmulat natin kahit pa ingay ng kapitbahay ang naririnig naten.

Habang may Buhay, May Utang!

Araw nanaman ng sahod. Ito ang araw na lage naming hinihintay ng mga ka opisina ko. Araw na lage naming tinititigan sa kalendaryo pag wala kaming magawa. Masaya ang lahat pag sumasapit ang araw ng sahuran, ngunit iba ito para samen ng mga katrabaho ko.


Kalbaryo ang araw ng sahod para samen. Tuwing sumasapit ang araw ng sahuran kanya kanyang hinaing ang naririnig ko. Sari-saring utang ang dapat bayaran. Pambayad sa upa sa bahay, hulog sa paluwagan, pambayad ng kuryente, pambayad sa utang sa load at maraming pang ibang utang na dapat bayaran.


Kumuha ako ng papel at lapis upang maglista ng mga dapat kong bayaran. Halos sumakit ang ulo ko habang iniisip kung pano ko pagkakasyahin ang sahod ko. Jusko! kulang pa pala ang sinahod ko sa mga babayaran ko. Abono pa pala ako. Daig ko pa ang pamilyado sa dami ng mga bayarin. Bakit kasi sa Laguna pa ko nakatira tapos sa Maynila ako nagtratrabaho. Pamasahe palang talo na ko. Bakit kasi ipinanganak akong mahirap? (emotera talaga ako).


Humirit pa tong mga kasamahan ko na mag inuman. “Tig iisang daan lang tayo. Isang bote lang tama na. Masayaran lang ng alak mga lalamunan naten” ang sabi ng kasamahan ko sa trabaho. Natawa nalang ako kasi kilala ko ang mga ka opisina ko. Di makukuntento ang mga yun ng isang bote lang. Imposible naman na isang daan lang ang magagastos namen. Wala pang pasok bukas kaya panigurado languan mangyayare mamaya. Lasing kung lasing. Ngayon nalang ulet kami makakalabas kasi lageng iniisip ang mga utang. Laging kulang ang sahod kaya di na magawang gumimik.


Bigla kong naisip, wala pala sa budget ko ang pang inom ko. Mukhang kukulangin ang sahod ko ah. Lintek kasi tong mga ka opisina ko. Nagyaya pang gumimik ang mga hayok sa alak na mga ito. Di naman pwede na di pa kakain bago uminom. Panira pa sa budget list ko. Kainis! Bahala na nga pag nag kulang ang pera ko. Mangungutang nalang ako sa coop. Jusko! utang nanaman. Mukha na kong utang.


kong naalala, mag aanak pa pala ako ng binyag. Di naman maaari na di ako magregalo. Kelangan ko rin ng pakimkim sa inaanak. Mamamasahe pa ko. Pagkalayo layo pa naman ng bahay ng kaibigan ko. Magkano din gagastusin ko dun. Bakit kasi ako pa ang kinikuha nilang ninang para sa mga anak nila. Di ba nila alam na napakakuripot ko. Di naman pwede ang tumanggi sa ganun. Malas daw yun.


“Putek na credit card yan oh tawag ng tawag. Makapagpalit nga muna ng sim. Ang kulit kulit sinabi ng wala pa ko pambayad eh.” Ang sambit ng isa kong ka opisina sa tabi ko. Nilapitan nya kami isa isa at binigay ang bago nyang numero. “Eto muna ang bago kong cell number. Tsaka na ko ulet magpapalit pag nakabayad na ko.” ang naiinis nyang bulong. Buti nalang tapos na ko sa putek na credit card nayan. Pinasara ko na ang account ko. Nakabawas din sa mga bayarin.


Sa likuran ko naman, kausap ng ka opisina ko ang isa ko pang ka opisina na magbabayad sa coop. “Di na muna ako maghuhulog sa contribution ha. Yung niloan ko na muna ang babayaran ko. Madami pa kasi akong utang na babayaran. Magbabayad pa ko ng credit card at ng iba ko pang niloan.” Ang inangal naman ng isa ko pang ka opisina. Akala nya siguro di ako nakikinig. Jusko! Tenga ko naman ang nagkasala. Teka! Kasalanan ko ba na matalas ang pandinig ko? Di lang pala mata ko ang nagkakasala pati pala ang tenga ko makasalan din.


“May bakante pa ba sa mga uutang sa coop?” ang tanong naman nung isa kong ka opisina. “Ipambabayad ko kasi ng equity ko sa bahay”. Eto nanaman! Utang nanaman ang narinig ko. Binging bingi na ko sa salitang UTANG. Nakakasakit na ng ulo. Halos lahat ata ng tao sa mundo may utang. Hay…Naalala ko nanaman ang sinabi ng ka opisina ko. HABANG MAY BUHAY, MAY UTANG!!!

Makasalanang mga Mata

Bakit ba wala ako sa wisyo magsulat? Wala akong maisip na paksa. Walang pumapasok sa isip ko. Tila di gumagana ang utak ko. Nakakainis! Pano ka ba naman makakapag sulat ang iingay ng mga tao sa paligid ko. Puro bulong ng mga bibig ang naririnig ko. Kanya kanyang kwentuhan. Kanya kanyang ingay. Kanya kanyang paksa. Takatak ng keyboard, ingay ng radyo at maging pagkanta na wala sa tono ng mga tao sa paligid ang naririnig ko. Ganito ba ang epekto pag walang project? Pag walang trabaho?


Kanya kanya kami ng pagpapanggap. May kunwaring seryoso yun pala nagpapakadalubhasa lang sa paglalaro ng bejeweled. Meron namang kunwaring nagbabasa ng specifications ng project yun pala mahimbing na sa pagkakatulog. Ayos din sa istilo sa pagtulog ang isang kasamahan ko. Nakahawak pa sa mouse ng computer para di mahalata na nananaginip na sya.


Nakakainis ang tunog ng keyboard sa katabi ko na tila nilalaro lang kasi walang magawa. “Sino ba yun?” ang naiinis na tanong ko sa isip ko. Isa pa tong nasa tapat ko na panay padyak ng paa. Tumayo ako at tiningnan sya. May headset palang nakapasak sa basag na nyang tenga. Jusko! halos rinig ko na ang musika na pinapakinggan nya sa lakas ng volume nito. Para na syang si MJ (Michael Jackson) na kulang nalang tumayo at sumayaw. Ibang klaseng trip talaga ang isang ito.


Dalawang work station naman mula saken ang napansin ng makasalanan kong mga mata. Naku kakaloka! Nagpipintura pala ng kanyang mukha ang isang ito. Ang mukha ay parang patay sa kapal ng concealer. Ang pisngi ay halos parang sinampal na sa pula dahil sa blush on. Ang nguso ay parang mansanas na sa pula. Ang mga pilikmata ay parang kinulot sa pagkapilantik. Isa lang ang pinaka naka agaw ng pansin saken walang iba kundi ang ayos ng kanyang buhok. Tinalo pa nya si Imelda Marcos sa dami ng hair spray na nilagay nya sa buhok nito at kahit ata malaglagan ng butiki ay mamamatay sa tigas.


Tumayo ako upang magpunta sa palikuran upang umihe. Habang ako’y naglalakad sa hallway eto nanaman ang makasalanan kong mga mata. Jusme! Kanina pa kumakaen ang isang ito. Simula pagdating nya nakita ko na syang kumakaen. Sari-sari na ang nakain nyang kutkutin. Mani, crackers, biscuits at ngayon naman chocolates. Kulang nalang pati kanin eh dalhin na nya dito sa production area para kumaen.


Di ko na namalayan nasa palikuran na pala ako.Nakatuon kasi isip ko sa ka opisina kong yun.Humarap ako sa malaking salamin upang magsuklay.Akala ko sa pagtungo ko sa wash room ay di na magkakasala ang malilikot kong mga mata.Jusko po! bukas ang zipper ng babaeng katabi ko.Di ba nya nakikita sa salamin na nakabukas ang zipper nya?Pano nga naman nya makikita eh sobrang abala sya sa pagpindot sa keypad ng cellphone nya.Gusto ko sana sya sabihan kaso napansin kong nakakunot ang noo nya at mukhang mainit ang ulo nya dahil sa katext nya.Nakakatakot naman baka mabulyawan pa ko nito.Maya ko nalang sabihin bubwelo muna ako.


Pumasok muna ako sa cubicle para umihe.Pag labas ko ng cubicle wala na ang babaeng nakita ko.Naku! kasalanan ko pa ata na di ko nasabi sa kanya.Ah...bahala sya!Di nya ko hinintay na matapos umihe para masabi ko sa kanya na bukas ang zipper nya.Kasi naman isang damukal ang mukha nya kanina kaya di ko sya makausap para sabihin sa kanya na nakadungaw na ang bulaklakin nyang panloob.(wahahaha.kalokohan ko talaga.)


Bumalik ako sa work station ko upang ipagpatuloy ang pagsusulat ng walang kakwenta kwenta kong akda.Teka ilang minuto nalang pala at mag uuwian na.Hay...mabuti naman at uuwi na rin kame sa wakas. Isang araw na puro kalokohan nanaman ang lumipas.


Aba! Di ba wala ako sa wisyo magsulat?Tignan nyo nga naman!Gumana nanaman ang kalokohan ko.

Makakalimutin

Kayo ba ay isang makakalimutin? Naranasan mo na bang lutang ang isip mo?

Hay naku may nakalimutan nanaman akong dalhin. Nakalimutan ko dalhin yung extra battery ng cellphone ko. Araw araw nalang may isang bagay akong nakakalimutan. Pera, payong, jacket etc. Bakit ba ko ganito?

Minsan pumasok ako sa paliguan upang maligo. Pagkatapos kong maligo at magbibihis na ako nakalimutan ko pala magdala sa loob ng paliguan ng damit panloob.hahaha nakakatawa talaga. Sa dami ng makakalimutan ko eh yung panloob pa. At di lang yan nakalimutan ko din magdala ng tuwalya. Panu nalang yun? Lalabas ako ng nakahubad? Jusko po! Dali dali kong tinawag ang aking kapatid upang utusang kunin ang bagay na aking nakalimutan.

Isang araw naman ako’y nagtungo sa kusina upang magtimpla ng kape. Dinampot ko ang baso at nilagyan ng mainit na tubig. Sa halip na ako ay kumuha ng kutsara upang gamitin sa pagtimpla ng kape ay aking dinampot ang aking toothbrush. Napansin din yun ng aking mommy at sya ay natawa. Lutang nanaman ako! Bigla ako nagising sa ulirat at natawa din sa sarili ko dahil sa halip na kutsara ang kunin ko ay toothbrush ang hinawakan ko. Ewan ko nga ba kung bakit yun ang sumagi sa utak ko. Iyon ang idinikta ng utak ko na gawin ko.

Magkikita kami ng mga Choco Gang (Pangalan ng tropa namin) kasi celebration ng aking karawan nun. Nakasakay na ko sa tricycle nun at pagtingin ko sa bag ko eh nakalimutan ko pala ang wallet ko. Wala akong ipambabayad sa driver ng tricycle at wala din ako ibabayad sa pamasahe sa bus at wala rin akong ibabayad sa kakainin namin. Baka maghugas nalang ako ng pinggan. Bigla akong bumaba sa tricycle kahit malayo na ang bahay namen para bumalik at kunin ang naiwan kong pera. Nakakainis kasi naglakad pa ko ng pagkalayo layo. Nakakainis talaga ang pagiging makakalimutin minsan.

Sa tuwing nag uutos sa akin ang ate ko para may bilhin, lage ko sinasabi sa kanya na itext ako kapag malapit na ko para di ko makalimutan. Sabi ng mommy ko nung panahon na ako’y may kasintahan pa, buti nalang daw at di ko nakakalimutan ang aking kasintahan. Buti nalang daw at alam ko pa ang daan papasok ng opisina at daan pauwi ng bahay.

Nung ako ay nag aaral pa matalas ang aking memorya. Isang basa ko lang naisasaulo ko na ang aking mga aralin. Madalas ako makakuha ng mataas na marka sa aming mga pagsusulit. Matalas din ang aking memorya pagdating sa Matematika ngunit ngayon tila parang kinakalawang na ang aking kaisipan. Maraming mga bagay na di ko na maalala. Maraming mga napag aralan ang di ko na alam balikan. Minsan kahit ang Ingles eh nakalimutan ko na rin. Tila nabobobo na ko.

Di nagkukulang ang aking magulang at mga kapatid sa pagpapaalala na uminom daw ako ng memo plus gold (nag plugging pa). Bumili ako ng isang banig na gamot para naman makatulong sa mapurol ko ng isip. Ngunit ang nakakatawa don eh bumili nga ako ng gamot pero nakakalimutan ko rin naman itong inumin. Hay… Pasaway talaga ako.

Minsan naitatanong ko sa sarili ko kelangan ko naba magpatingin? Baka may sakit na talaga ako. O normal lang ito sa isang tao? Ngunit kinakatakot ko ay baka akalain nila na ako’y isa ng baliw. Baka sa mental na ako dalhin. Ayoko dun! Hahaha. Nakakatawa nalang isipin.

Teka! Nakalimutan ko. Naiihi pala ako. Buti nalang naramdaman ko na sumasakit na ang pantog ko. Teka san nga ba ang papuntang palikuran paglabas ko ng pintuan? Kaliwa ba o kanan?

Kawirduhan Ko

Naniniwala ba kayo na may taong "weird",wirdo o kakaiba? Bawat tao sa mundo ay may kanya kanyang katangian.Sa talino,sa itsura,sa kakayahan at marami pang iba.Kaya nga madami ang napapabilang sa Pinoy Records o sa Guiness Book of Records.Marami rin na fifeature sa telebisyon sa pagiging kakaiba nila.Ako kaya mafeature sa telebisyon pag naibahagi ko kung ano kakaiba saken?


Pinaglihe ako ng Mommy ko(Mommy Sosyal!) sa alimango.Sa dinami dami ng mapaglilihian ay dun pa.Nung araw na ako'y ilalabas na sa mundo ng aking ina ay sobra ang takot nya dahil madami daw ng parte ng tyan nya ako sumisipa.Natatakot sya baka daw ang itsura ko ay kagaya ng sa alimango na maraming galamay.Nang mailabas na ako agad tinanong ng aking ina kung ano daw itsura ko.Ilan daw ang kamay at paa ko.Sinabi ng nurse na normal daw ako.Malusog at napaka cute.(wahahaha!normal pala ako?abnormal lang isip).Agad nakahinga ng malalim ang aking ina sa binalita ng nurse.


Lumaki ako ng normal na gaya ng sa ibang bata.Ngunit nung ako ay 5 taong gulang na,sa tuwing ako'y galing sa paaralan ay agad akong nagtutungo sa paliguan at nagbabasa ng paa.Lage ako nagtatampisaw sa tubig.Gusto ko lageng basa ang paa ko ng parang sa alimango.Sa tuwing matutuyo ang paa ko agad akong nagbabasa ulet ng paa.Laging ganun ang gawain ko kaya madalas ako makagalitan ng magulang ko.


Lumaki ako na yun ang gawain ko.Dahil sa lage ako nakakagalitan,umisip ako ng paraan para lageng basa at madulas ang paa ko ng di ako nagbabasa ng tubig sa paa.(o di ba sa murang isip ko nakapag isip nako ng kataranta**han).Kung anu ano ang nilalagay ko sa paa ko para maging basa.Vicks,baby oil at maging mantika na pinagprituhan ng isda pinatos ko.(nakakatawa talaga!).Madalas akong magpunta ng kusina at patagong isinasawsaw ang kamay ko sa kawaling may mantika at agad itong ipapahid sa aking paa.Lage naman ako nahuhuli ng ate ko kaya lage akong pinagtatawanan.


Dahil sa gusto kong laging basa ang paa ko,pati sa pagtulog ko ay kasama ko ang tsinelas ko.Dun kasi nakakapit ang mantika at dulas.pakiramdam ko lage basa paa ko kaya di ako makakatulog pag walang suot na tsinelas kasi madali matuyo ang paa ko.


Napansin yun ng aking ina.Tinatanggal nya lage ang tsinelas ko pag ako'y nakakatulog na pero magugulat nalang sya paggising nya at pagtingin sa paa ko nakasuot nanaman ang tsinelas ko.


Madalas ko pa kumutan ang buong paa ko para di makita ng Mommy ko na nakasuot ako ng tsinelas.Hinayaan nalang ako ng Mommy ko hanggang sa paglaki ko.Noong ako ay tumuntong na ng High School,naiwasan ko na ang pagsusuot ng tsinelas habang natutulog pero ang paglalagay na madulas at basa sa paa ko hanggang ngayon ay ginagawa ko pa rin.


Nakakahiya kasi dalaga nako pero ganun pa rin ako.Di ko na talaga naalis yun pero sosyal nako ngayon.Lotion at petroleum jelly na nilalagay ko.Nakakahiya na nakakatawa ang pagiging wirdo o kakaiba ko.Kayo anung kakaiba sa inyo?

Dala ng Aking Pagkabagot

Hay… isang nakababagot na hapon nanaman. Eto ako walang magawa kaya naisipan sulatin ang isang walang kwentang sanaysay na to. Anu bang pedeng gawin sa maghapon na walang trabaho? Nakatingin sa oras sa aking computer at nag hihintay ng oras ng uwian. Nakatingin sa kalendaryo at nagbibilang ng araw kung hanggang kelan kami ganito at kung kelan ang susunod na sahod. Lahat na ata ng laro sa company site namen nalaro ko na. Parking game, Finance (tawag naming to sa isang laro na kami lang ng mga kateam ko nakakaalam), Lateral Thinking etc. Lahat na ata ng files sa folders ng lahat ng kateam ko nabuklat ko na. May lyrics ng kanta. May tungkol sa kalusugan at may mga inspirational thoughts na kong nabasa. Jusko pati listahan ng mga utang nabasa ng malikot kong mata. Maging mga larawan na naka save sa mga folders nakita ko na rin at napagmasdan ang mga nakakatawang kuha ng bawat isa.


Nakakamiss din pala ang peak season. Yung tipong halos dito na kami sa office tumira. Yung halos mamanghe na kame dito kasi halos 24 hours na kami nakaharap sa computer at nagtratrabaho. Halos di ko na magawang magpunta ng palikuran para umihe. Yung walang kamatayang ot. Hay naku, pag may trabaho nagrereklamo. Pag walang trabaho nagrereklamo din. Pero masaya kahit nakakapagod dahil lahat masayang kasama. Kahit na mga pagod sa trabaho eh nakukuha paring ngumiti at tumawa. Masarap din ang sumahod ng malaki para ipambayad sa mga utang. Wala ata sa mga kateam ko ang walang utang. Sabi nga ng isa kong kateam “HABANG MAY BUHAY, MAY UTANG” nakakatawa pero sa kabilang banda may punto rin sya. Sabi naman ng isa kong kateam. “HABANG MAY TRABAHO, MAY PAMBAYAD UTANG”. Hay naku! nakakatawa minsan ang buhay. Umiikot ang tao sa problema. Di ka normal kung wala kang problema.



Aba uwian na pala di ko namalayan ang oras dahil sa pagsusulat nitong maikli kong sanaysay. Teka! Sanaysay ba ito? O kwentong kutsero lang? Gumana nanaman ang aking imahinasyon.